Ifugao nagdeklara ng state of calamity dahil sa dengue

LAMUT IFUGAO – Ang bayan ng Lamut sa probinsiya ng Ifugao ay nadeklarang nasa state of calamity dahil sa dengue noong nakaraang Huwebes.

Nagpasa ng resolusyon ang sangguniang bayan, kasunod ng sulat mula kay Mayor Mariano Buyagawan, Jr. na humihimok sa legislative body na ideklara ang bayan sa state of calamity dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso ng dengue.

Ang kahilingan ay base sa mga datos na ibinigay ng Municipal Health Office sa statistics ng mga kaso ng dengue sa nasabing bayan.

Nakasaad sa resolusyon na, “The municipality recorded the occurrence of dengue epidemic in the 18 barangays with two fatalities in one of the barangays” (Ang munisipalidad ay nagtala ng pangyayari ng epidemya ng dengue sa 18 na mga barangay kung saan may dalawang pagkamatay sa isa sa mga barangay).

Nakasaad din sa resolusyon na, “The data is alarming and showed significant evidence that there is dengue outbreak in the municipality” (Ang datos ay nakababahala at nagpakita ng makabuluhang ebidensiya na may pagsiklab ng dengue sa munisipalidad).

Nauna nang sinabi ni Department of Health-Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) officer in charge Amelita Pangilinan na naabot ng Lamut and alert level sa bilang ng mga kaso.

Sinabi niya na ang DOH-CAR ay patuloy na tutulong sa Lamut pati na sa mga iba pang lugar kung saan may matataas na kaso.

Bukod sa pagmonitor, ang DOH ay aktibo rin sa kanilang 4S information campaign, at ang regular na pagtatawid ng clean-up activity na “search and destroy” sa mga mosquito breeding places.

Nagtala ng 4,704 na kaso ng dengue, na may siyam na pagkamatay ang Cordillera noong Agosto 10, 2019, ani Pangilinan.

Ang Apayao ay may 819 na kaso; 778 sa Benguet, na kaso na may 4 na pagkamatay; 573 na kaso sa Kalinga na may 1 pagkamatay; 478 na kaso sa Ifugao; 384 na kaso sa Baguio at 1 pagkamatay; at 334 na kaso sa Mountain Province na may 1 pagkamatay.

Sinabi ni Pangilinan na kanilang sinusubaybayan ang rehiyon ng Cordillera at binibigyan ng espesyal na atensyon ang mga lugar kung saan may mga kasong pagkukumpol-kumpol o clustering of cases, kasama ang Lamut.

Sinabi ni Cordillera DRRMC chairman at Office of Civil Defense director Albert Mogol na ang isang lokal na pamahalaan na magdeklarang ang kanilang lugar ay nasa ilalim ng state of calamity ay maaaring ma-access ang pondo ng kalamidad o calamity fund upang matugunan ang isang problema.

Ang calamity fund ay binubuo ng limang porsyento ng taunang badyet ng lokal na pamahalaan, na maaring gamitin para sa paghahanda at pagtugon.

Sa limang porsyento, 30 porsyento ay quick response fund na naa-access ng lokal na pamahalaan para punahin ang tumataas na bilang ng kaso ng dengue.

Hiniling ng DOH sa National Disaster Risk Reduction and Management Council ang pagtitipon ng buong pulong ng konseho, matapos ang pagdeklara nito ng national dengue epidemic sa pagkakaroon ng 146,062 na kasong naitala mula Enero hanggang Hulyo 20 sa taong kasalukuyan, kung saan 98 na porsyentong mas mataas kumpara sa parehong panahon noong 2018. May 622 na bilang ng pagkamatay.

PNA/MDR-ABN

Amianan Balita Ngayon