BAGUIO CITY
Ipinagbunyi ng Pamahalaang Lungsod ng Baguio si Godwin Amos Langbayan sa pamamagitan ng Resolusyon Bilang 116, Serye ng 2025, matapos niyang makamit ang dalawang gintong medalya sa 2024 SJJIF World Jiu-Jitsu Championship na ginanap noong Setyembre 26-
29, 2024 sa Nagoya, Japan. Nagwagi siya sa Gi Master 1-to-76-kilogram division at No Gi Master 1-to-75-kilogram division. Ang kanyang makasaysayang tagumpay bilang unang Igorot Jiu-Jitsu World Champion ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon, disiplina, at pambihirang husay sa pandaigdigang entablado.
Kinilala rin ng resolusyon ang mahalagang paggabay at suporta ng kanyang coach na si Gibran Langbayan sa kanyang kahanga-hangang
tagumpay. Ang tagumpay ni Langbayan ay nagbibigay ng malaking karangalan sa Baguio City at sa buong komunidad ng Igorot, at nagbibigay inspirasyon sa mga atleta na abutin ang kanilang mga pangarap sa larangan ng sports.
Daniel Mangoltong / UB Intern
March 22, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025
April 19, 2025