IGOROT STONE KINGDOM BUKAS NA MULI

BAGUIO CITY

Igorot Stone Kingdom ay muling binuksan sa publiko nitong April 3,. Maaalalang ipinisara ang
naturang tourist attraction noong November 9, 2022 dahil sa kawalan nito ng business permit at building permit. Ayon kay Engr. Bonifacio Dela Peña, city administrator ng Baguio City, nag utos sila na magsagawa ng slope stability at structural integrity analysis ang Igorot Stone Kingdom.
Napatunayan naman umano na ligtas ang mga structures ng naturang pasyalan, at kumpleto narin ang mga kailangan na requirements upang makapag bukas na sila muli sa publiko.

Ayon naman kay Coun. Mylene Yaranon, na may hawak ng Committee on Public Works, bilang paghahanda sa mga dadagsang tao ay nabigyang solusyon narin ng Igorot Stone Kingdom ang mga reklamo ng mga residente kagaya ng traffic at parking spaces. Maari ng ilagay muli ang Igorot Stone Kingdom sa inyong mga travel list ngayong summer. Matatagpuan ang Igorot Stone Kingdom sa may Long-long Road, Pinsao Proper, Baguio City.

Paolo Felipe-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon