IGOROT STONE KINGDOM, MULING DINAGSA NG MGA TURISTA

BAGUIO CITY

Makalipas ang limang buwan, ay muling dinagsa ng mga tao ang Igorot Stone Kindgom, matapos
payagan na magbukas ito noong Abril 3. Hindi makakaila na dumagsa ang mga turista noong Holy Week season at isa kanilang pinuntahan ay ang pamosong Igorot Stone Kingdom. “Noong Holy week talagang dinumog kami ng mga turista, lalo noong weekends. Estimated namin mga nasa
200,000 turista at locals ang bumisita noong Black Saturday at Easter Sunday” ayon kay Alex Suminta, staff ng Igorot Stone Kingdom.

Naging patok ito sa mga turista at lokal dahil sa kakaiba nitong ganda kung saan bida ang katutubong kultura at tradisyon ng mga Cordillerans, Ang theme park ay hango sa alamat ng Sab-angan na pinaniniwalaang isang Kaharian ng Igorot na dating umiral libu-libong taon na ang
nakalilipas. Ang nasabing pasyalan ay bukas tuwing Lunes hanggang Linggo, simula alas 7:00 ng
umaga hanggang alas 6:00 ng gabi. Ito ay may entrance fee, 1P00 para sa mga adults, P80 sa senior citizen/young adults (4- 12 years old) at libre naman para sa mga batang nasa edad na 3 pababa.

Vina Pallar-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon