IKALAWANG SONA NA, GISING NA HABANG MAY PANAHON PA

Noong Hulyo 25, 2022 ay inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kaniyang unang State of the Nation Address (SONA) na ibinahagi ang isang mahabang listahan ng populistang mga polisiya bilang mga prayoridad ng kaniyang administrasyon sa loob ng 12 buwan gayundin ang kaniyang plano para sa anim na taong-termino. Sa una niyang SONA ay hiniling niya sa Kongreso na ipasa ang 19 ma priority bills na: National Government Rightsizing Program (NGRP), Budget Modernization Bill,Tax Package 3: Valuation Reform Bill, Tax Package 4: Passive Income
and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA),

E-Government Act, Internet Transaction Act or E-Commerce Law, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), Medical Reserve Corps, National Disease Prevention Management Authority,Creation of the Virology Institute of the Philippines, Department of Water Resources, Unified System of Separation, Retirement and Pension, E-Governance Act,National Land Use Act, National Defense Act, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP), Enactment of an Enabling Law for the Natural Gas Industry, Amendments to the Electric Power Industry Reform Act or EPIRA (Republic Act No. 9136), at ang Amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law.

Sinabi pa ni PBBM sa kaniyang unang SONA na balak niyang bawasan ang mga panganib
at hamon na hinaharap natin sa maligalig na panahong ito sa kasaysayan ng buong mundo, at
gayunpaman ay nakikita niya ang sinag ng araw na lumalagos sa madidilim na ulap na ito.
Idnagdag pa niya na, tinipun nila ang pinakamagagaling na utak upang tumulong upang ilayag
tayo sa panahong ito ng krisis sa buong mundo na ating kinakaharap. Makapagtitiis tayo at
kailangan lang daw na ang diwang Pilipino ay manatiling hindi kumukupas, dahil ayon sa kaniya
ang kalagayan ng bansa ay maayos.

Sa ngayon ay anim na piraso ng lehislasyon ang napirmahan ni PBBM halos isang taon sa kaniyang termino, subalit paano ito maikukumpara sa mga prayoridad na hakbang na kaniyang binanggit sa kanoyang unang SONA? Sa anim na batas na kaniyang pinagtibay ay tatlo lamang ang bahagi ng kaniyang 42 priority bills na ipinanukala ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) ng kaniyang administrasyon, habang walang nabanggit sa kaniyang unang SONA, gaya ng Republic At 11934 o ang SIM Registration Act, ang R.A. 11935 o ang Act Postponing the December 2022 BSKEs at ang R.A. 11939 o ang Amendments to the Armed Forces of the Philippines (AFP) fixed term law.

Inamin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang paghahatid ng kaniyang mga pangako noong kampanya ay isang “patuloy pang ginagawa” sa kabila ng “maraming paglago” na nagawa ng kaniyang administrasyon matapos ang isang taon sa opisina. Umpisa na raw na nakikita ang sistematikong mga pagbabago na magiging bahagi na ng bagong burukrasya. Sumasang-ayon si Marcos sa grado niyang “di-kumpleto” sa unang taon ng kaniyang pagkapangulo at sinabing marami pang kailangang gawin at kailangan pa ng ilang panahon upang magkatotoo ang kaniyang mga mithiin para sa bansa, dahil may malaking trabaho pa na kailangang tapusin.

Kailangan na mas itulak pa ng administrasyong Marcos ang mga hakbang na sumusuporta
sa lokal na agrikultura, mas marami pang pamumuhunan sa kalusugan at yamang tao, serbisyo
sa publiko, ang National Land Use act at iba pang nabanggit niya sa unang SONA. Tama, marami pa talagang dapat trabahuin at mas makakainam kung gisingin na rin ang mga natutulog pa hanggang ngayon na mga opisyal ng gobyerno at kung hindi magising ay palitan na at mas palakasin ang ugnayan at pagtutulungan ng ehekutibo, lehislatibo upang maisagwan pasulong ang bansa. Kailangang iisang kumpas lang ang tahak at huwag magkaniya-kaniya ang mga opisyal makasipsip lamang sa Pangulo. Sabagay…may limang taon pa.

Amianan Balita Ngayon