SI COVID NAKALIMUTAN NA?

WEBES pa lang, patuloy ang pamamayagpag ni Covid, gayung halos buong sambayanan ay matagal ng kinalimutan na panahon pa rin ng pandemya. Nitong linggo nga, higit pa ang bilang ng mga daliri sa dalawang kamao kaysa bilang ng mga bagong kaso. Pa-lima-lima, tapos mga 3, 2 mga bagong kaso ang naitatala. Kung baga sa pagpapalista sa eleksyon, langaw ang binibilang, hindi mga botanteng kagustuhan lamang ay mapabilang sa mga boboto. Noong nakaraang linggo nga,
inanunsyo na mayroon ng panagtalong booster shot laban ke covid.

Ang ngalan ay Bivalent, isang makabagong bakuna na nadisensyo upang puksain ang anumang
abilidad na makahawa sa sangkatauhan. Ang siste nga, nang binuksan ang vaccination centers,
napakatumal ng mga nagpunta, mabibilang din sa mga daliring ng iisang kamao ang dumating at buong nasang inialay ang kanilang braso upang maturukan ng pangatlong booster shot. Tulad ng nabanggit na, ating binisita ang bakunahan sa isang vaccination center, para sa sinasabing Bivalent ng siyang panlaban sa mga bagong likhang mga anak ni Covid Omicron.

Kasi nga naman, dahil sa napabalitang mga paglobo ng mga bagong kaso sa India at China mga kalapit na bansa natin hindi maiiwasang mangamba na mahawaan ng sakit na dala ng mga bagong sibol na mutant. Halos hindi ako makapaniwala sa aking nakita sa loob ng vaccination center. Walang pang 5 ka-tao ang naghihintay na maturukan. Mas marami pa ang mga front liner na mga anti-covid personnel ang pamasid-masid, hinihintay na magkaroon ng saysay ang kanilang isasagawang bakunahan. Kung pinayagang makapasok ang mga langaw, walang duda, puno ang bulwagan!

Eto si Pinoy at Pinay, punong abala sa mga paghahanap-buhay. Hindi alintana na si covid ay naririyan pa rin. Nag-aabang ng mga mahahawahan. Eh ano nga naman kung maka-5 bagong kaso, para ke covid, tagumapy pa rin na makapaghasik ng lagim. Ganito na nga ba tayong mga Pinoy? Nandyan pa rin si covid, pero marami sa ating mga kababayan ang tila higit na pansin ang pag-usad ng buhay at ng pamumuhay. Abala sa mga pang-araw-araw na pangangailangan, sa pangunguna ng paghahanap-buhay na dapat hindi pinalalampas dahil arawan ang karamihang mga manggagawa.

Nitong nakaraang mga araw, medyo umangat ng kaunti, isang katiting na bilang na bumahin ka
lamang ay nawawala. Wala pang .001 % ng total population ang kinapitan ni Covid. 5, 8, 3, 12, 2.
Pa-usad-usad ang bilang ng mga bagong kaso dito sa ating lungsod. Kaya naman, maging ang ating mga punong abala, walang dapat ikabahala. Pinaaalam lang ng mga numero na pa-dos-dos ang
pagdausdos ng mga numero. Sinasabi lamang ng mga numero na walang dapat ipangamba. Ang
mga tinatamaan ni covid ay yung mga sinasabing hindi nabakunahan, nag-walang bahala, at itinaya ang kalusugan sa dating ugali ng walang pangamba.

Kung bakunado na ng 4 na beses, ang dalawang dapat at ang mga sumunod na dalawa pa ay added boosters, ano nga naman ang ikakabahala. Eto nga at dumating na ang Bivalent, isang epektibong pang-dagdag ng immunity ngayong meron na tayong mga bagong kaso ng panibagong variant. Mag third booster na tayo, lalo na sa mga priority persons. Mga matatanda, mga may dinadalang karamdaman, mga frontliners. Ang siste, nakaumang na ang bakuna, wala pa ring brasong matuturukan. Kakaiba nga naman ang sitwasyon sa atin dine sa Baguio.

Padala-dalawa ang average count ng new cases. Gayjng pa-lima-lima na ang akyat ng numero, para pa ring dos por dos ika nga. Kaya pala, tila walang katinag-tinag tayong taga-Baguio kahit na bulagain pa rin sila ni XBB, ang bagong super-variant. Idagdag pa na pwede na raw mag third dosage ng bakuna, sinasabi ding pinakabagong bakunang kayang lupigin at supilin si covid.
O, ayun, parang dumaang hangin ang mga paalala ng kinauukulan. Bisnis as usual, ika nga. Ang komento nga ng aking barber, kung mismo ang ating Ama ng Lungsod, si Mayor Benjie, ay
hindi nababahala. Tayo pa kayang walang pinaghuhugutan na A.I. support system.

Kanyang binibigyang pansin ang mga sandamakmak na tungkulin ng kanyang tanggapan. Mga VIP
guests sa iba’t ibang mga lugar. Mga opisyal ng ibang pamahalaang local. At maging mga miyembro ng gabinete ni PBBM, eto paboritong pasyalan ang Baguio. Eh paano na si covid? Di ba bisita pa rin natin. Lampas 3 taon na siyang namamayagpag sa Baguio, pero patuloy pa ring kukurap-kurap.
Ang siste pa, si Yorme ay napaka teche. Data-driven. Malaki ang bilib sa mga produkto ng Artificial Intelligence. Mga bagay na syang nagsalba sa atin sa kasagsagan ng pandemya.

Kaya naman, hindi naglaon kanyang ginawang opsyonal ang pag-gamit ng face mask sa mga indoor environment. Samakatwid, tuloy ang agos ng buhay. Tuloy ang pag-inog ng mundo. Hindi na dapat
maging pangamba si covid. Senyales na nga raw ang mga pababa ng pababang bagong kaso. Nasa huling hingalo na si Covid. Kinakapusan na ng final breath. Papalapit na sa huling hantungan. Kulang na lang ang pinakapenal na panalangin. Tulad ng sinabi ni Mayor, huwag ng magpaka-kampante ng tuluyan, at huling hininga na ni Covid.

Sa mga outdoor setting naman, nasa sa atin pa rin ang desisyon kung gagamitin pa rin ang face mask. Ibig sabihin, desisyunan na natin ang tama at sapat na pag-iingat upang maging protektado at ligtas. Ang mahalaga, patuloy nating pangalagaan ang ating mga sarili. Sa panahong pa-tigok-tigok na si Covid, huwag pa rin tayong padadala sa simbuyo ng katuwaan upang kampante ng salungain ang panganib ng pagkakahawa. Huwag ng magpatumpiktumpik at bisitahin ang mga
bakunahan. Nandyan si Bivalent, handa ng iturok sa mga braso. Tulad ng nakagawian nitong lampas 3 taon.

Nanalasa man, sa kasagsagan ng pandemya, ating naiwasang mahawa. Sinunod natin ang mga
patakaran upang maging ligtas, maging buhay, at naiwasang mapabilang sa mga isinugod sa
cremation facility. IngatTayoBaguio. AngatTayo. ProgresoTayo! LahatAsenso! CovidSupilinka!

Amianan Balita Ngayon