Pasikip nang pasikip na ang mundo ni dating Bureau of Corrections chief Gerald Q. Bantag. Bagamat muling nakalusot na naman ang dating opisyal sa bitag ng mga ahente ng National Bureau of Investigation nang salakayin ang diumano’y maaring pinagtataguan nitong gusali sa Mines View Park barangay sa Baguio City madaling araw ng Sabado (April 20, 2024), mapapasaan pa’t matitiyempuhan din ito at haharap sa hustisya. Hindi kailan man habang buhay na matatakbuhan ni Bantag ang ika nga’y mahabang kamay ng batas upang humarap siya sa paglilitis sa pagkaka-ugnay sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at iba pa.
Hindi lahat ng maari nyang makasangkapan, pera man o taon, upang takbuhan ang hustisya’y mananatili sa pabor nya. Kung wala talagang kasalanan si Bantag sa batas, pinakamainam na sumuko na ito, harapin ang mga paratang
sa kanya at patunayang hindi siya sangkot sa pagkamatay ng mga taong nabanggit na biktima ng karahasan sa loob
ng National Bilibid Prisons at labas gaya ni Lapid. Ipinapanawagan din sa mga taong maaring tumutulong, kumukopkop at nagiging kasangkapan upang pagtaguan ni Bantag ang hustisya upang isuko na ang dating opisyal at maging kasangkapan para sa hustisya.
Ang pagtulong kay Bantag, na tinagurian nang “fugitive from justice” sa yugtong ito’y, nangangahulugan ding hindi
pagtalima sa katotohanan at hustisya. Ang pakikipagtulungan naman upang sumuko o maiharap na sa hukuman ang
dating opisyal ay nangangahulugan ng pagsandig sa pagkakapantaypantay, anuman ang estado sa buhay, mayaman man o mahirap, na dumaan sa paglilitis at kung mapatunayang nagkasala’y mananagot sa pwersa ng batas.
April 29, 2024
April 29, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024