[Enough for you is your home]
Ang mga salitang aysolasyon (ganap na pagkakabukod) at seklusyon ( pagiging hiwalay o tago ) ’isolation’ and
‘seclusion’ ay mayroong natatangin kahulogan sa ating relihiyong ; Ang lumayo sa kasamaan at sa mga gumagawa nito at manatiling malayo o hiwalay sa kanila na mga hangal . Kung iyong ihiwalay ang iyong sareli sa masama sa
ganitong paraan , ikaw ay magkakaroon ng pagkakataon na mangilay-nilay, mag-isip , at manginain sa pastulan ng
kaliwanagan .
Kung iyong ganap na ibubukod ang iyong sareli sa mga bagay na naglilihis sa iyo sa pagsunod kay allah , ikaw ay nagbibigay sa iyong sareli ng isang dosis ng gamot , isang gamot na natagpuan ng mga doktor ng puso bilang isang napakabisang lunas . Kung iyong ihihiwalay ang iyong sareli sa kasamaan at kawalan ng ginagawa , ang iyong utak ay naaantig tungo sa paggawa , ang naging mga bunga ay ang pagtaas ng pananampalataya , pagsisisi at pag-aala-ala kay allah , ang pinaka mahabagin … Magkagayunman , ang ilang pagtitipon ay hindi lamang itinatagubilin , bagkus
ay kinakailangan , ang pangmaramihang pagdarasal , ang sirkulo ( pulotong ) ng pagaaral at ang lahat ng pagtitipon
ng katuwiran .
At tungkol sa pagtitipon kung saan ang kahangalan at kababawan ay nangingibabaw , maging maingat sa mga ito
Tumakas sa mga gayong pagtitipon , manangis sa iyong mga maling gawain , pigilan ang iyong dila at maging kuntento sa loob ng hangganan ng iyong tahanan . Sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba batay sa hangal na motibo , inilalagay mo sa kapahamakan ang katatagan at pagiging matibay ng iyong isipan , sapagkat ang mga tao na hindi mo pinipili na pakisalamuhaan ay maaaring mga eksperto o bihasa sa pagaaksaya ng panahon , mga bihasa sa pagkakalat ng mga kasinungalingan , at kaguluhan , at kalukuhan .
Sinabi ng allah sa QUR’AN Sa malapit na kahulogan … Had they marched out with you, they would have added to you nothing except disorder; and they would have hurried about in your midst [spreading corruption] and sowing sedition among you… (Qur’an 9: 4 7) Pinapayuhan kita na tibayan ang iyong sareli para sa iyong layunin at ganap na
ibukod mo ang iyong sareli sa iyong silid . Maliban na lamang na iiwan mo ito upang magsalita ng mabuti . Kung iyong i-aaplay ang ganitong payo , matatagpuan mo ang iyong puso ay nagbalik sa iyo , kaya’t gamitin ang iyong panahon nang mahusay at iligtas mo ang iyong buhay sa pag-aaksaya . Pigilan mo ang iyong dila sa pagsasabi ng
masama sa talikuran , palayain mo ang iyong puso sa pagkabagabag at iligtas mo ang iyong mga tenga sa paglapastangan .
September 21, 2024
September 21, 2024
September 21, 2024
September 21, 2024
September 21, 2024
September 15, 2024