[ Verily, with hardship, there is relief ]
Sinabi ng allah sa qur’an ( fainna maal usri yusra ) Sa pinakanmalapit na kahulogan ay ; “katotohanan , ang kasunod ng kahirapan ay kaginhawahan “ Ang pagkain ay sumusunod sa gutom , ang inumin ay sumusunod sa uhaw , ang tulog ay dumarating mapatapos ang pagkabalisa , ang kalusugan ay nananaig sa karamdaman , ang naligaw ay
makakatagpo sa kanilang daan , ang isa na nasa kahirapan ay makakatagpo ng ginhawa, at ang araw ay susunod sa gabi .
Sinabi ng allah sa qur’an “ (Perhaps Allah may bring a victory or a decision according to His Will) (Qur’an 5: 52) ( maaring si allah ay maghatid sa kanila [ na mga muslim ] ng isang tagumpay [ na malupig ang makkah ] o isang pasya ayon sa kanyang kalooban . (Qur’n 5;52 ) Ipagbigay-alam sa gabi ang pagdating ng umaga , ang liwanag nito ay lalaganap sa mga kabundukan at lambak , ibigay sa mga nahihirapan ang balita ng karaka-rakang ginhawa na darating sa kanila na may bilis ng liwanag o isang kurap mata .
Kung iyong namamasdan ang disyerto na humahangga sa mga milya at mga milya , kung gayon,( iyong) malaman na sa lagpas ng gayong layo ay mga luntiang kaparangan na may saganang lilim . Kung iyong makita ang lubid na papahigpit ng paghigpit maalaman na ito ay malalagot . Ang mga luha ay sinusundan ng ngiti , ang pangamba ay napapalitan ng ginhawa , at ang pagkabahala ay nalulupig ng kahinahunan . Ng ang apoy ay sinindihan sa kanya si propita ABRAHAM ( sumakanya nawa ang kapayapaan) ay hindi nakaramdam ng init nito kailanman , dahilan sa tulong na kanyang natanggap mula sa panginoon .
Sinabi ng allah sa qur’an (We [Allah] said: ‘O’ fire! Be you coolness and safety for Ibraheem!) ( kami { allah } nagwika O apoy ! Maging malamig ka at mangalaga ka kay ABRAHAM ) 21;69 Ang dagat ay hindi nakalunod kay propita moises ( sumakanya nawa ang kapayapaan ) sapagkat kanyang binigkas ( ang sumusunod na talata ) ng may tiwala , lakas at makatotohanang paraan : Hindi katotohanan ! Nasa panig [ kasama ] ko ang aking panginoon , ako ay kanyang papatnubayan . (‘Nay, verily! With me is my Lord, He will guide me.) (Quran 26: 62)
Ang propita muhammad ( pbuh) ay nagsabi kay abubakr sa loob ng kuweba na si allah ay kasama nila – at matapos ,
kapayapaan at kapanatagan ay bumaba sa kanila . Yaong mga alipin ng sandali ay nakakakita lamang ng kahirapan at kasamaan , ito’y sa dahilang sila ay tumitingin lamang sa dingding at pinto ng silid , ngunit sila ay marapat na
tumingin ng lagpas sa gayong mga hadlang na nakalagay sa kanilang harapan . Samakatuwid , huwag mawalan ng pag-asa , dito ay imposible para sa mga bagay na manatiling gayon pa rin .
Ang mga araw at mga taon ay umiinog , ang kinabukasan ay nalilingid , at sa bawat araw , si ALLAH ay may mga bagay na pinalilitaw , na hindi mo ito nalalaman , ngunit maaring si allah pagkatapos nito ay magdadala ng ilang bagong bagay na mangyayari . Ang katotohanan , sa kahirapan ay mayroong ginhawa .
Imam / shams monib
April 29, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024