ILIGAL DROP BALL PINAIIMBESTIGAHAN SA PANGASINAN

LALAWIGAN NG PANGASINAN

Papaimbestigahan umano ang malawakang pasugalan na dropball sa bayan ng Malasiqui at Mangaldan sa lalawigan ng Pangasinan, matapos makarating ang reklamo sa tanggapan nina DILG Secretary Jonvic Remulla at Chief PNP General Rommel Marvil, noong Oktubre 21,2024. Sa mga naunang report, nakarating ang reklamo kay PRO1 Regional Director Lou Evangelista at inatasan nito sa Provincial Director Col. Rollyfer J. Capoquian, para magsagawa ng imbestigasyon.

Sa ipinadalang report ay sinabing wala umanong namonitor na illegal drop ball sa mga bayan ng Malasiqui at
Mangaldan bagkus ay mga funfair at amusement rides lamang umano ang nakatayo dito. Subalit nang magsagawa
ng actual monitoring ang mga concerned citizens noong gabi ng Nov. 3, 2024 at Nov. 8, 2024 sa bayan ng Malasiqui ay bumulaga ang lantarang pasugalan na dropball na pagmamay-ari umano ng isang “Rolando.”

Ang pasugalan na dropball ay namamayagpag din sa maraming bayan sa Pangasinan at maraming nabibiktima na mga mahihirap na tricycle at pedicab driver’s, mga tindero at kargador sa palengke maging ang mga menor de edad na mga estudyante. Ipinagmamalaki umano ni Rolando na”protektado” ang kanyang illegal drop ball. Kung hindi mapatigil ng PNP ang pasugalan ay magkakaroon ng impresyon na totoo ang sinasabing protektado ito. Nakatakda umano iparating ang reklamo sa Office of the President, kaugnay sa hindi mahinto na illegal gambling na dropball sa
lalawigan ng Pangasinan.

(ABN Reportial Team)

Amianan Balita Ngayon