Iligal na droga tinalakay sa GABAY ni De Guzman

Apr 22, 2017

BAUANG, LA UNION – Sa isinagawang buwanang dalaw ng mga opisyales sa bayan ng Bauang na isa sa proyekto ang Gobiernong Abot ang Barangay (GABAY) sa barangay Payocpoc, Norte-Weste noong ika-19 ng Abril 2017 ay tinipon nito ang mga residente para magsagawa ng medical-dental mission at physical therapy, blood typing ng Red Cross, mobile library para sa mga bata, libreng gupit at libreng tsinelas para sa mga bata.

Ang GABAY ay umiikot sa 39 na barangay ng bayan ng Bauang tuwing ikatlong Miyerkules ng bawat buwan upang makipagtalakayan sa bawat pamilya, residente at barangay officials ang mga opisyales ng bayan ng Bauang.

Sa pangunguna ni Mayor Eulogio Clarence Martin P. De Guzman III ay naunang ipinahayag ang mga alituntunin para sa kapayapaan at pag-unlad ng bawat mamamayan ng Bauang.

Sa panayam ng Amianan Balita Ngayon kay De Guzman, “Labis ang pasasalamat ko sa pakikipagkaisa ng aking mga kababayan sa kanilang pagsunod sa mga alituntunin at kampanya na pinairal ang war against illegal drugs. Pinatunayan ko ito sa harap ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na susuportahan ko ang kanyang adbokasiya hanggang tuluyang maging drug free ang bayan ng Bauang, sa mga report mula sa kapulisan ay wala tayong naipabalita na mula sa ating lugar ang mga drug lord, pusher dahil karamihan sa mga nahuhuli ay mga dayuhan na nanunuluyan lamang dito sa aming lugar, na kung saan ay dito sila gumagawa ng kanilang maruming trabaho at nakakaimpluwensya pa sa aming mamamayan, naniniwala ako na hindi natin gawain ang mga ganitong masasamang katiwalian, kaya paulit-ulit kami lagi tinutuligsa at isinasagawa pa rin ang Oplan Tokhang. Hiniling ko rin kay Bauang OIC Chief of Police PC/INSP Joel P. Lagto na patuloy ang pagpapatrulya sa bawat barangay na kailangan ay tuluyan nang mawala ang illegal na droga sa ating bayan. At maging ang mga mamamayan ay sinabihan ko rin na makipagtulungan na bantayan ang bawat residente, pakilusin ang Masa Masid na ito ang isang magbibigay ng impormasyon sa kapulisan.”

“Kailangan walang maging hadlang sa ating pag-unlad, namumuhay kami nang marangal lakip ang tiwala at pananalig namin sa Panginoong Diyos na tanging pag-asa namin ay makatawid sa kasaganahan at kapayapaan,” ani De Guzman.

Pinangasiwaan rin ni OIC Chief of Police Joel Lagto ang pagtitipon sa pagtalakay ng Anti-Drug Abuse at Crime Scenes ng SOCO kasama ang Municipal Peace and Order Council at Municipal Anti-Drugs Abuse Council.

Inaasahan naman ni Payocpoc Punong Barangay Joel A. Caluza ang kanilang mga kahilingan na mabigyan ng pansin partikular sa pangkabuhayan, edukasyon sa mga bata at pangkalusugan na mabigyan ng proteksyon ang bawat sambahayan sa kanilang barangay na maipagkakaloob nang maayos ito sa kinauukulan. ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest