ILOCOS NORTE POWER RATES BABABA NGAYONG AGOSTO

LAOAG, Ilocos Norte -Inanunsiyo ng Ilocos Norte Electric Cooperative (INEC) ang isang pagbaba sa presyo ng kuryente ng higit PhP1 per kilowatt hour (kWh) ngayong Agosto kasunod ng isang matagumpay na muling negosasyon sa masinloc Power Plant. Ang nagiisang electric distribution utility sa probinsiya ay may aktibong power supply agreement sa coal energy producer.

Kinumpirma ito ni INEC general manager Felino Herbert Agdigos noong Miyerkoles na iniulat niya na naibaba nila ang kanilang contract capacity sa 25 megawatts mula 51 megawatts upang ang ibang kinakailangang kuryente ay
makukuha sa wholesale electricity spot market (WESM) na nag-aalok ng mas murang presyo ng kuryente sa ngayon.
“Nobody projected the [Russia-Ukraine] war which affected the rise of fossil fuel prices,” ani Agdigos, na sinabing ipagpapatuloy nila ang pagbili ng mas maraming suplay mula sa Masinloc sa oras na maging matatag ang presyo ng coal.

Kumpara sa 18.56 per kHw ng Hulyo, ang presyo ng kuryente ng Ilocos Norte ay nasa PhP17.56, bagaman mas
mataas pa rin kaysa sa ibang mga probinsiya na naglalaro mula PhP9.47 hanggang PhP16.49 per kWh gaya ng mga
electric cooperatives sa Benguet, Isabela, Ilocos Sur, Pangasinan, Ifugao, at Nueva Vizcaya. Sa pasimula, ilang
residente ng Ilocos Norte ang nanawagan sa INEC at iba pang may kinalaman na mga awtoridad na tumulong ibaba
ang presyo ng kuryente sa probinsiya.

Samantala, sinabi ni Senator Ma. Imelda Josefa “Imee” Marcos na “panahon na upang ayusin ang mga kooperatiba sa kuryenta at repasuhin ang [Electric Power Industry Reform Act of 2001],
lalo na ang papel at liderato ng mga kooperatiba sa kuryente.” Idinagdag niya na may pangangailangang iprofessionalize ang liderato ng electric coops sa pagpapatupad ng mga pamantayan sa mga miyembro ng board.

Para sa kaniyang bahagi, sinabi ni Agdigos na ang pahayag ng senadora ay isang kasiya-siyang pangyayari upang makatulong na tugunan ang mga kahirapan ng mga kooperatiba ng kuryente sa pagbili ng kanilang suplay.

(LA-PNA Ilocos/ PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon