LUNGSOD NG BAGUIO Inutusan ni Mayor Benjamin Magalong ang Baguio City Police Office sa ilalim ni PCol. Glenn Lonogan na imbestigahan ang boarding house scam na patuloy na nambibibktima ng mga
estudyante. Ang panlilinlang ay unang iniulat noong Agosto habang ang lungsod ay naghahanda para sa muling pagbabalik ng face-to-face classes.
Isang concerned homeowner sa lungsod ang nag-alerto noong Agosto 8 sa opisina ng mayor na isang
larawan ng harapan ng kaniyang bahay ang ginamit ng isang “poser” na nanloko ng ilang estudyante sa online na magbayad ng reservation fees para daw sa boarding at lodging. “We have issued warnings and advisories but these scammers have continued to victimize students. We need a thorough investigation on this,” ani mayor.
Sinabi ni Lonogan na hahawakan ng BCPO anticybercrime division ang imbestigasyon. Muling binalaan ng mayor ang mga estudyante at kahit mga turista na mag-ingat sa kanilang mga transaksiyon sa akomodasyon na siguruhing nakikipag-usap sila sa mga totoong may-ari o kanilang mga awtorisadong ahente bago makipagkasundo o magbigay ng bayad. Para sa mga estudyante, pinayuhan sila na personal na makipag-negosasyon sa mga may-ari ng mga establisimiyento at harapan.
Kung hindi, maaari nilang beripikahin sa pagtawag sa Permits and Licensing Division sa 619-3184 para makumpirma ang mga pangalan ng mga rehistradong may-ari at kanilang contact numbers. Para sa mga turista, pinayuhan ng City Tourism Operations Office ang mga bisita na makipag-usap lamang sa mga accommodation establishments (AEs) na nakalista sa ilalim ng visita.baguio.gov.ph. o tumawag sa hotline (074) 446- 2009, 0956 572 9097 (7am – 4pm); 0956 572 9093 (2pm -11pm); 0956 572 9094 (10pm -7am)
upang tiyakin kung ang kausap na tao ay totoong kaanib sa lehitimong mga AE.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)
September 17, 2022
May 3, 2025
May 3, 2025
May 3, 2025