BATAC CITY, ILOCOS NORTE – Maigting ang paghimok sa tanggapan ng Ombudsman na imbestigahan ang tumakas na dating Laoag City Treasurer Elena Asuncion kasama ang mahigit P85.4 milyong nawawala na nadiskubre noong Hunyo 2016.
Sa resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte Blg. 081-2017 ay inulit ang naunang Resolution No. 012-2016 na humihiling kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales upang siyasatin ang paglisan ng Laoag City Treasurer at pagkawala ng naturang halaga sa pamahalaang lungsod ng Laoag at kung kinakailangan ay magsampa ng angkop na kriminal o administratibong kaso laban sa mga tao at opisyal ng pamahalaan na responsable sa pagkawala ng pera ng bayan.
Si Asuncion, na naiulat na pamangkin ni Ilocos Norte first district Rep. Rodolfo Farinas na kasalukuyang may hindi pagkakasundo sa mga opisyal ng Ilocos Norte bunsod ng pagsisiyasat ng House of Representatives sa diumano’y maling paggamit ng pamahalaang panlalawigan sa bahagi nito sa tobacco excise tax, ay umalis sa bansa noong Hunyo 14, 2016 sakay ng Philippine Airlines papuntang Hawaii.
Diumano ay umalis si Asuncion bago pa maibigay ni Laoag City Mayor Chevylle Fariñas, anak ni Rep. Farinas, ang relief order sa natuklasang discrepancies sa accounts ng pamahalaang lungsod.
Ngunit giit ni SP member at lawyer Vicentito Lazo, “Kayattayo a punasen iti kapanpanunutan dagiti kalugarantayo nangnangruna ti probinsia ken Siudad ti Laoag a daytoy kaso ket naidulinen, na-whitewash, kasi nga P90 million daytoy a kuarta ti tao nga immasok, nagpukaw.”
Dagdag ni Lazo, ang imbestigasyon sa nawawalang pondo ng Laoag City ay kinakailangang mapabilis para malaman ng mamamayan kung sino ang dapat na akusahan.
Biro pa ni Lazo, “Tapnu no maipakita met nga agpuligus daytoy masasaotayo a ‘wheels of justice,’ ta ti napasamak, natabunan metten daytoy P90-M a nagpukaw babaen iti panangi-concentrate ni Congressman Fariñas daytoy pannakagatang iti minitrucks kada bus nga… makitkitam met a maus-usar ken agserserbi kadagiti appotayo a tobacco farmers.”
Tinutukoy ni Lazo ang Resolution No. 882 ng Kongreso na sinisiyasat ang P66.450 milyon sa pondo ng tabako na ginamit sa pagbili ng mga sasakyang de-motor na ibinahagi sa mga magsasaka ng tabako at kapitan ng barangay noong 2011 at ang paggamit ng P66.450 milyon sa pamahalaang gobyerno ng Ilocos Norte (PGIN) 2012.
Ang imbestigasyon ay pinangungunahan ni Fariñas.
Itinuro ni Lazo na nagpila si Fariñas ng House Resolution No. 882 noong Marso 14, 2017, isang araw bago inilabas ng SP ang ulat ng National Bureau of Investigation (NBI) ukol sa lagay ng pondo ng Laoag.
Sa ulat ng NBI, ayon kay Lazo, walang ginawa ang lokal na pamahalaan nang malaman nila ang nawawalang pondo.
“Nine years nang ninanakawan ang pera ng Siyudad ng Laoag. Taon-taon, may audit ang City. Obligasyon ng auditor at Mayor na tignan at protektahan ang pondo… pero bakit mula July 2007, ayon sa NBI report, hanggang December 2015, tahasang napayagan na ninanakaw ang pera? Dapat malaman ng Kongreso ang dahilan,” ani Lazo.
Pahabol ni Lazo na ang nawawalang treasurer ay mayroong anak na may apelyidong Fariñas. “Ti damag, ti tatangna daytoy nga ubing, kabsat ti tatang ni Congressman Fariñas.”
Kaya naman, ang Provincial Board, ayon kay Lazo, ay pinag-aaralan ang posibilidad na hingin sa Congress ang pag-iimbestiga at ang posibilidad na baguhin ang Anti-Nepotism Law upang isama sa sakop nito ang kamag-anak na produkto ng common law unions.
Ang nasabing batas ay nagbabawal sa pagtakda ng family members, kahit by consanguinity o affinity, sa may mga posisyon sa gobyerno.
Ipinaalala rin ni Lazo at provincial board member Da Vinci Crisostomo kay Fariñas ang sariling anomalya nang ito ay Ilocos Norte governor na case docket no. OMB-97-2150, “Leonardo Velasco versus Rodolfo C. Fariñas,” sa OMB kung saan ang dating gobernador ay naakusahan noong 2002 ng “Illegal Use of Public Funds” na may kaugnayan sa pagbili ng isang brand new 1995 Jeep Cherokee Laredo gamit ang cash advance galing sa Republic Act (RA) 7171 o ang Tobacco Excise Tax.
Ang nasabing pagbili ng Cherokee ay nabanggit ng isa sa “Ilocos Six” employees ng provincial government sa ginanap na House of Representatives Committee on Good Government and Public Accountability’s fourth at emergency hearing noong Hunyo 20 para sa House Resolution No. 882 na pag-iimbestiga sa diumano’y di tamang paggamit sa tobacco funds. ACE ALEGRE / ABN
July 2, 2017
July 2, 2017
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024