INFLATION RATE SA CORDILLERA NOONG SETYEMBRE 2024, BUMABA

BAGUIO CITY

bamaba ang antas ng inflation sa Cordillera nitong Setyembre 2024. Ayon kay Philippine Statistics Authority- Cordillera chief statistical specialist Aldrin Bahit, ang inflation rate ng rehiyon noong Setyembre ay 1.2 percent, mas mababa kung ikukumpara sa 3.4 percent inflation rate noong Agosto 2024. “Ang dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation ay ang mas mabagal na pagtaas ng presyo ng food and non-alcoholic beverages,” ani Bahit.

Aniya, ang food and non-alcoholic beverages ang may pinakamataas na ambag sa pagbaba ng inflation na 73.1
percent, sinundan ng education services na may ambag na 13 percent, at ang transport na 9.1 percent. Dagdag ni Bahit, tumaas man ang presyo ng bigas ay naging mabagal din ang pag-akyat ng presyo nito. Nagkaroon din ng
deflation o pagbaba ng presyo ng gulay, tubers, at iba pa. Sa buong Cordillera, ang lalawigan ng Ifugao ang
nakapagtala ng pagbaba ng presyo ng pangkalahatang mga bilihin.

“Ang mga probinsiya kabilang ang Baguio City ay nagtala ng mabagal na pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” saad
ni Bahit. Samantala, ang halaga ng 100 pesos nitong Setyembre 2024 kumpara noong 2018 ay 80 pesos. Ang Mountain Province ang may pinakamababang purchasing power of peso o 77 pesos ang katumbas ng 100 pesos noong 2018 habang pinakamataas pa rin ang Baguio City na 82 pesos. Nitong Oktubre 11, 2024 ay muling pinangunahan ng PSA-CAR ang online dissemination forum sa Cordillera September 2024 Inflation Report. Ang paglalabas ng ahensiya ng mga datos ay inaasahang makatutulong sa pagbuo ng pang-araw-araw na desisyon ng
mga stakeholders.

(DEG-PIA CAR)

Amianan Balita Ngayon