P14.5-M MARIJUANA PLANTS SINUNOG SA MOUNTAIN PROVINCE

SADANGA,Mt. Province

Pinagbubunot at sinunog ng pulisya ang nadiskubre ng plantasyon ng marijuana na may halagang P14.5 milyong halaga sa Mount Balitok, Barangay Saclit, Sadanga,Mountain Province,noong Oktubre 16. Ayon sa Mountain Province PPO, humigit-kumulang 72,900 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants na may Standard Drug Price (SDP) na PhP14,580,000.00 ang nadiskubre ng pinagsamang operatiba ng Sadanga Municipal Police Station,
2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit ng Mountain Province PPO, Regional Intelligence Unit-14, at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region

Ang lahat ng natuklasang halaman ng marijuana ay binunot at sinunog sa lugar, habang ang mga sapat na ebidensya na nakolekta para isumite sa Regional Forensic Unit-CAR. Dagdag pa, ang mga operatiba ay kasalukuyang nagsasagawa ng mga pagsisiyasat upang matukoy ang iba pang mga lugar ng plantasyon ng marijuana at mahuli ang mga indibidwal na may pananagutan sa paglinang ng marijuana.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon