LAOAG CITY
Ang rate ng inflation sa rehiyon ng Ilocos ay bahagyang bumagal sa 2.5 porsyento noong Pebrero, pababa mula sa 2.9 porsyento noong Enero, dahil ang pagtaas ng presyo sa mga mahahalagang kalakal tulad ng pagkain at utilities ay bumagal, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas nitong Huwebes, Marso 13. Ang numero ng Pebrero ay 0.4 percentage points na mas mababa kaysa sa nakaraang buwan ngunit 0.5 percentage points na mas mataas kaysa sa 2.0 porsyento na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi ni PSA Ilocos Region Director, attorney Sheila de Guzman, na ang pagbagal ay naobserbahan sa maraming mga grupo ng kalakal, kabilang ang mga food and non-alcoholic beverages sa 3.1 porsyento; alcoholic beverages at tobacco sa tig-1.5 porsyento; clothing at footwear, 3.3 porsyento; household equipments at maintenance, 2.2 porsyento; transportation, -0.4 porsyento, at personal care at iba pang mga serbisyo, 3.9 porsyento. Gayunpaman, ang mga presyo ng karne, pagkaing – dagat, dairy products, itlog, prutas, nuts, asukal, at
confectionery ay nakitaan ng pagtaas.
Sa apat na mga lalawigan, naitala ng Ilocos Sur ang pinakamataas na inflation rate sa 4.2 porsyento, na sinundan ng La Union, 3.0 porsyento; Pangasinan, 2.3 porsyento, at Ilocos Norte sa 1.3 porsyento “Kumpara sa Pebrero 2024, ang Ilocos Norte at Pangasinan ay nakitaan ng mas mababang mga inflation rate, habang ang Ilocos Sur at La Union ay nakaranas ng mas mataas na rate,” sabi ni De Guzman.
(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)