Insidente sa Panagbenga 2017, bumaba

Mar 3, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Halos 85 porsyento ang ibinaba ng naitalang insidente sa kasagsagan ng pinakatampok na dalawang araw ng pagdiriwang ng Baguio Flower Festival 2017 kumpara noong nakaraang taon.
May naitalang apat na insidente sa grand street-dancing parade habang tatlo naman sa grand float parade.
Kumpara noong 2016, may naitalang 46 na insidente sa buong Baguio sa kasagsagan ng dalawang araw na pagdiriwang ng kapistahan.
Ang mga naitalang insidente ay kinabibilangan ng pickpocket, robbery, at physical injury.
“Ang isa pa sigurong nagpababa diyan, sa tingin ko yung sa Oplan Tokhang. Kasi karamihan sa sinasabing root cause ng lahat ng krimen ay droga. Masasabi ko rin talagang full force ang kapulisan, walang nag-off. Kahit yung iba nga na walang tasking, nasa office din. Ang alam ko talaga nakadeploy lahat,” ani Police Senior Inspector Laborah May Q. Nabunat, chief public information officer ng Baguio City Police Office (BCPO).
Dagdag niya pa, “Yung ginagawa talaga namin, constant reminding the public na always be mapagmatyag. Yun yung lagi naming sinasabi. Binibigyan namin ng crime prevention tips yung mga manonood. Kasi yun nga, hindi lang naman mga turista ang umaakyat, pati rin naman mandurukot nagsisi-akyatan din during Panagbenga.”
Tinatayang 2,000 na police staffs, officers at volunteers ang nakadeploy sa buong lungsod sa araw ng pagdiriwang noong Pebrero 25 at 26, 2017. Melanie Z. Dela Cruz, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest