“INTELLIGENCE AGENT, KUBRADOR NG ‘INTELIHENSYA’ NG REGION 1 PNP?”

Pulis mismo, kung hindi nagkakamali’y, isang Senior Police Officer 1 (SPO1), ang napapaulat na magaling na kubrador ng Ilocos Region police sa ‘intelihensiya’ (SOP o protection money) mula sa Peryahan-sugalan (Pergalan)
sa buong Rehiyong Uno. Kasabwat niya si “SPO1 MJ” na isa ring aktibong pulis kung saan minana ni “SPO1” ang posisyon kamakailan lamang matapos balasahin ng kanilang nakataas na opisyal.

Ang pulis-kubrador na si SPO1 ay tauhang pinagkakatiwalaan ni Regional Intelligence Division chief Lt. Col, Mar Louise T. Bundoc kung kaya’t siya ang naatasang mangubra ng lingguhang “intelihensiya” mula Ilocos Norte hanggang Pangasinan? Kaya naman mismong ang pakiusap ni Senate Committee on Public Order chairman, Senator
Ronald “Bato” dela Rosa, na dating Chief PNP pa, ay hindi tiningala ng Pergalan operations sa Region 1 dahil nakasandal sila sa pader.

Matibay na matibay ang sandalang pader ng mga operators ng Pergalan gaya ni “Mr. T. ng La Union at “Mr. Ibasan” ng Pangasinan. Malamang sa hindi, si “SPO1” kasabwat si “SPO1 MJ” ang may pakana upang mapaniwala si PNP Region 1 Regional Director Brig. Gen. Lou F. Evangelista na ipanasara lahat ng gambling dens gaya ng “drop ball” at iba pang “color games” sa buong Rehiyon Uno. Nakapagtataka bakit ganun na lamang kabilis maniwala si Brig. Gen.
Evangelista sa ulat ng mga nasa ilalim niya gayung mismong mamamayan mula sa Pangasinan hanggang Ilocos
Norte ang nakakaalam na pansamantala lamang tumigil ang mga operasyon ng Pergalan matapos ang pagbubunyag sa Senado ang kotongang nangyayari sa hanay ng pulisya at iba pang grupo.

Masigabong ipinangalandakan pa ni Brig. Gen. Evangelista ang “certifications” ng mga hepe ng mga istasyon hanggang sa mga Provincial Commands, pati lokal na mga opisyal ng mga barangay. Ang masakit na tanong? sino naman nga ang magcertify na mayroong sugalang nangyayari kung sila’y natikom na ang bibig at napiringan na ang mata ng pakinabang mula sa mga operators ng pergalan?

PAG-AAYUNA SAWM

The 2023 SL25

Amianan Balita Ngayon