International women’s day, ginunita sa La Trinidad

LA TRINIDAD, BENGUET – Muling iginiit ang kahalagahan ng kababaihan sa komunidad sa pagdaraos ng International Women’s Day sa munisipalidad noong Marso 7, 2017 sa tema na “We make change work for women”.
Ginugunita ang women’s day para iparamdam sa kababaihan ang halaga, respeto at pagmamahal sa bawat babae.
Ayon kay Liza K. Balao, resource person ng programa, “Let us all make change at mabuhay ang mga kababaihan, change should start from us, a positive change,” paghihimok nito sa kababaihan.
Aniya, hindi lamang ang kahalagahan at respeto ng kababaihan ang ginugunita kundi pati na rin ang violence against women, equality, at sa kalusugan ng bawat babae.
“Let us all transform all aspects of our self by being concerned of our health, rest and recreation,” dagdag pa niya.
“Dapat ang mga kababaihan ay maging role model sa community na dapat may unity at understanding,” ayon kay Josephine T. Leon, Women Federation president ng La Trinidad. Nagsasagawa rin umano ng seminars, trainings at orientation para sa kababaihang naging biktima ng violence against women.
Nagkaroon din ng skits at drama contest at search for the best performing women’s organization. Mahigit 234 ang nakilahok na kababaihan sa naturang programa.
Samantala, gaganapin naman ang International Women’s Day sa Capitol sa March 8 para sa buong Benguet. Jessalyn M. Soreno, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon