Irespeto ang desisyon ng bawat-isa

Kung lahat ng mga bata na ang edad ay mas mababa sa 12 ay kailangang bakunahan laban sa COVID-19 o hindi ay nananatiling patuloy na pinagdedebatihan.
Ang mababang banta ng panganib ng malalang COVID-19 sa mga bata at ang walang-katiyakan ukol sa mga pinsala mula sa pagbabakuna at sakit ay nangahuhulugan na ang balabse ng banta at benepisyo ng pagbabakuna sa grupo ng edad na ito ay mas masalimuot. Isa sa pangunahing argumento para bakunahan ang malulusog na mga bata ay upang protektahan sila mula sa matagalang mga ibubunga.
Kasama sa mga ibang konsiderasyon ang mga salik sa antas ng populasyon, gaya ng pagpapababa sa community transmission, suplay ng bakuna, halaga, at pag-iwas sa quarantine, mga pagsasara ng paaralan at iba pang pamamaraan sa mga lockdown. Ang paglitaw ng mga bagong variant of concern ay nangangailangan ng tuloy-tuloy ng muling-pagtatasa ng mga panganib at benepisyo.
Kamakailan ay ipinag-utos ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna sa mga bata na ang edad ay lima hanggang labing-isa, kasunod ng naunang pagbabakuna sa mga edad 12 pataas.
Bago pa man ito ipatupad noong nakaraang linggo ay naghain ang ilang indibiduwal/magulang ng petisyon para sa isang temporary restraining order (TRO) sa paggulong ng pagbabakuna sa mga bata ng DOH at ideklara itong “hindi naaayon sa konstitusyon at walang saysay at walang bisa.”
Ikinatuwiran nila na ang Memorandum Order No. 2022 0041 ng DOH na magsisilbing pansamantalang panuntunan sa paggulong ng pagbabakuna sa mga bata ay inilabas na may malubhang pag-abuso sa diskresyon at labag sa konstitusyon, dahil lahat ng mga babala sa panganib laban sa administrasyon ng mga bakuna sa COVID-19 sa mga bata.
Nanawagan sila sa DOH na respetuhin ang pagpili ng bawat-isa sa mga bagay na may kinalaman sa buhay at kalusugan lalo na kung ito ay may kinalaman sa isang napakahinang bahagi ng populasyon at lalo na dahil sa walang-katiyakan sa kaligtasan at bisa ng mga bakuna sa COVID-19.
May agam-agam sila sa pagbabakuna sa mga bata dahil daw sa personal nilang karanasan sa diumano’y matinding mga epekto ng bakuna ng Dengvaxia sa kanilang mga anak at dahil bago pa a ng mga bakuna sa COVID-19 ay atubili sila. Tinutulungan ng mga abogado ng Public Attorney’s Pffice (PAO) sa pangunguna ni Persida Acosta na magpahanggang-ngayon ay hindi pa rin nagpapabakuna dahil sa pansariling kadahilanan.
Sinabi naman ng DOH at National Task Force Against COVID-19 (NTF) na kinikilala nila ang petisyon at may karapatan ang sinuman na maghain ng isang kaso subalit nananatili ang gobyerno na matatag sa kanilang pangako na protektahan ang lahat ng sektor ng lipunan, kabilang ang mga bata at ibang mahihinang grupo, kaya itutuloy ang paggulong ng pagbabakuna para sa nasabing grupo na naplano na.
Ayon sa gobyerno, ang polisiya ng pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 ay resulta ng isang maingat nap ag-aaral ng mga eksperto sa kalusugan at aprubado sa maraming bansa, kabilang ang Estados Unidos. Mahigit 8.1 milyon mga bata na raw sa buong mundo ang nabakunahan nan a walang naiuloat na pagkamatay o malubhang mga epekto sa kanila. Lahat daw ng inaprubahan na bakuna ng Food and Drug Administration (FDA) ay napatunayang ligtas at epektibo.
Puntirya ng gobyerno ang nasa 15.56 milyon na mga batang Pilipino edad 5 hanggang 11 para sa pagbabakuna at umorder na ang bansa ng 15 milyon na dose ng Pfizer at ayon sa pinakahuling tala ay mahigit 168,355 na mga bata sa buong bansa ang nagparehistro para mabakunahan at mapapalawaig pa habang mas maraming suplay ng bakuna ang darating sa bansa.
Ang pagbabakuna sa mga bata ay isang magandang balita dahil may plano ang DepEd na kalauna’y magsagawa na ng limitadong harapang klase sa school year 2022-2023. Kaugnay nito ay sumasang-ayon si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año sa desisyon ng ilang mayor ng LGUs na payagan lamang na mabakunahan ang mga batang edad 5-11 kung may pahintulot ang mga magulang o mga tagapangalaga nila.
Ang kaso sa pagbabakuna sa lahat ng malulusog na mga bata laban sa COVID-19 ay mas mahirap kaysa mga matatanda dahil sa balanse ng mga panganib at mga benepisyo ay mas hindi gaanong nakikita. Kung ang COVID-19 ay nananatiling isang pangkalahatang banayad na sakit sa mga bata at sa mga bakunadong matatanda, hindi na marahil kinakailangan na bakunahan anf lahat ng bata. Mahalagang ikonsidera ang iba’t-ibang grupo ng edad na magkahiwalay; ang balanse ng panganib at benepisyo ng pagbabakuna ay malamang na magkaiba sa mga sanggol, mga bata at mga nagbibinata at nagdadalaga. Ang patuloy na pagmomonitor ng kalubhaan ng sakit sa lahat ng grupo ng edad ay napakahalaga.
Bagaman ang maramihang pagbabakuna ng COVID-19 sa lahat ng edad kasama ang mga batang mas mababa ang edad sa 12 ay magiging pangkalahatang diskarte sa buong mundo sa hinaharap, tila nga makakabuti sa ngayon na timbangin ang mga panganib at benepisyo na may pag-iingat at magpatuloy ng may kaayusan at malasakit, habang nirerespeto ang desisyon ng isang magulang.

Amianan Balita Ngayon