Iringan ng Pangasinan-Benguet dahil sa isang sitio, lumala

Oct 29, 2017

LINGAYEN, PANGASINAN – Ibinigay ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang buo nitong suporta sa munisipalidad ng Sison sa paggiit nito na kabilang sa nasasakupan ang Sitio Saguitlang sa Barangay Labayug, Sison na diumano ay inaangkin ng munisipalidad ng Tuba, Benguet.
Sa isang resolusyon sa regular nitong sesyon noong Lunes (Oktubre 23), inendorso at sinuportahan ng SP ang lokal na pamahalaan ng Sison.
Inamin ni Fifth District Board Member Rosary Gracia Perez-Tababa, sponsor ng resolusyon, na ang matagal at hindi pa nasolusyunan na hidwaan sa boundary sa pagitan ng Sison at Tuba ay muling naungkat nang ipinasa ng Sangguniang Bayan (SB) ng Tuba ang isang resolusyon na humihiling sa kinauukulang ahensya ng gobyerno na ibigay ang bahagi nito sa paggamit ng Northern Cement Corporation (NCC) sa likas na yaman ng lugar.
Bilang tugon sa resolusyon ng Tuba ay ipinasa rin ng SB ng Sison ang sarili nitong Resolution No. 17-066 na maigting na iginigiit na ang Sitio Saguitlang ay nasa teritoryo ng Barangay Labayug, isang distrito at legal na barangay ng Sison.
Nauna rito ay umapela ng suporta mula sa SP si Sison Mayor Danilo Uy, habang inihahayag na ang Sitio Saguitlang ay bahagi ng kanyang bayan.
Ani Tababa, ang Sitio Saguitlang, kung saan isinasagawa ng NCC ang extraction activity, ay may 1,560 ektarya. Mula nang sinimulan ng NCC ang operasyon dito 50 taon na ang nakalipas ay nagbabayad na ang kompanya ng extraction fees, real property taxes at mining taxes kada taon sa bayan ng Sison.
Sa naturang resolusyon ng SP, sinabi ni Tababa na mula noon ay kinikilala na ng NCC ang Sitio Saguitlang na nasa ilalim ng nasasakupan ng Sison. LEONARDO MICUA, PNA / ABN

RELATED POSTS

BIKE FOR CLEAN AIR 2022

BIKE FOR CLEAN AIR 2022

The La Trinidad Municipal in partnership with DENR-Environmental Management Bureau-CAR in observance of the Clean Air Month, the said...

IBENGUETS’ AWARDEES

IBENGUETS’ AWARDEES

A total of 32 individuals were recognized during the Benguet Awards 2022 graced by Senior Associate Justice Marvic Mario Victor F. Leonen...

AMIANAN POLICE PATROL

Suspek sa robbery sa Cagayan, arestado sa Kalinga TABUK CITY, Kalinga - Arestado sa manhunt operation ng pulisya sa Bulanao Norte, Tabuk...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest