Gawain ng NPA, kinondena ng komander ng AFP

Oct 29, 2017

GAMU, ISABELA – Kinondena ni 5th Infantry Division commander, Major General Paul Talay Atal, ng Armed Forces of the Philippines ang patuloy na mala-teroristang gawain ng New Peoples’ Army (NPA) sa mga rehiyon ng Cagayan Valley at Cordillera.
Ito ay matapos ang magkakasunod na pag-atake ng mga kasapi ng NPA sa magkakaibang lugar sa dalawang rehiyon.
Kamakailan ay isang grupo ng NPA ang umatake sa hindi binabantayan na kagamitan ng Delta Earthmoving Construction Company. Sinunog nila ang isang dump truck, isang water truck at isang backhoe na ginagamit sa paggawa ng mga kalsada para sa mga komunidad sa mga barangay ng San Pablo at Arwas, pawang sa Diadi, Nueva Vizcaya.
Sa isa pang insidente ay inatake ng isa muling grupo ng NPA ang Hedcor tapping point sa Brgy Otucan Norte, Bauko, Mountain Province na nagresulta sa pagkawala ng kuryente sa halos kalahati ng probinsya at nakaapekto sa pangkabuhayan ng mga komunidad.
Gaya ng iba pang kalupitan na ginawa nila, nagdahilan ang NPA sa pamamagitan ng mga gawa-gawang istorya at pinagbibintangan ang kanilang mga biktima na lumalabag sa mga batas pang-kalikasan ngunit ang katotohanan ay nangingikil lamang ang mga ito sa kanilang mga biktima, pahayag ni Atal.
Aniya, dapat nang magtaka ang mga mamamayan at itanong kung may mga alternatibo nga bang iniaalok ang NPA sa mga negosyo at kompanyang nagbibigay ng trabaho sa mga tao ngunit inaatake nito. Ano ang development programs ng NPA para sa mga mahihirap na komunidad, “why should they burn the heavy equipment that are building roads and government projects for the poor?” patuloy ng komander.
“What services do the NPA deliver to alleviate the poverty and miseries of the people living in the rural areas? Are the monies being extorted by the NPA used for community development?” ani Atal.
Sa kabila nito ay nananatiling positibo ang pananaw ni Atal at sinabing, “I am encouraging those NPA who could no longer take the human rights violations of their leaders and companions, to avail of the Comprehensive Local Integration Program of the Government. Let us settle our differences in a peaceful way and instead, help in the progress and development of our beloved country. After all, we are all brother Filipinos.” 5ID PUBLIC AFFAIRS OFFICE / ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest