IRISAN ECO-PARK

Environment

Ipinasyal ni Mayor Benjamin Magalong ang ilang Baguio media sa dating Irisan dumpsite para ipakita ang transformation nito na ngayon ay isa ng mabango at napakagandang Eco-Park.

Bilang pangako sa unang araw ng kanyang pag-oopisina sa dumpsite ay ito rin ang naging una niyang proyekto at makalipas ang isang taon ay may malinis at walang amoy mabaho na pasyalan an ang mga residente ng Barangay Irisan.

Ang pag-develop sa parke ay ipapagtuloy upang gawing isa sa mga tourist attractions ng siyudad.

Photo by Zaldy Comanda/ABN