MAGALONG-DOMOGAN-BILOG FACEOFF SA HALALAN SA BAGUIO

Headlines

BAGUIO CITY – Sa pagkakataong ito, muling matutunghayan ang makasaysayang pulitika sa pagitan ng labanan ng tatlo sa pagka-Mayor ng siyudad ng Baguio.

Sa muling pagtakbo ni dating Mayor Mauricio Domogan ay malalaman kung may karisma pa ito, matapos matalo ang kanyang 27 taon sa pulitika noong 2019 elections bilang Congressman.

Sa ikalawang termino naman ni Mayor Benjamin Magalong na nagtamo ng overwhelming victory noong 2019 ay malalaman din kung mapapanatili nito ang kanyang karisma ngayong makakabangga niya ang tinatawag na political kingpin ng lungsod na si Domogan.

Sa ikalawang pagkakataon naman, muling susuungin ni dating Vice Mayor Edison Bilog ang pagtakbo sa pagka-Mayor, matapos matalo ito noong 2019 at ngayon ay dalawang higante ang kanyang makakatunggali. Sa paghahain ng kanikanilang kandidatura, unang nagsumite ng Certificate of Candidacy si Magalong sa ilalim ng Nationalist Peoples Coalition (NPC), noong Oktubre 5, kasama ang kanyang apat na para konsehal na sina Cricket Villareal, Marlene de Castro,Pamela Carino at reelectionist Leah Farinas.

Walang kaalyado si Magalong para sa Congressman at Vice Mayor, pero binanggit nito ang kanyang suporta kay Congressman Mark Go at Vice Mayor Faustino Olowan.

“Alam nyo kasi we have gone long way in our advocacy for good governance and the same time malaki na rin ang na-accomplish natin in terms of our strategic program and projects.

Alam nyo kasi ang iniisip natin dito ay everytime a local executive assumes office he should never think about the next election.Hindi yon ang pananaw natin ngayon, we are thinking of a legacy that we can pass on to the next generation.

To be able to solve to what going happen for the next 20 or 15 years, the only way na ma-sustain naming yong program, I am compelled to seek for re-election,” pahayag ni Magalong sa ginanap na press conference sa Baguio Convention Center.

“I don’t want to leave the city at the time of the pandemic. I am more inclined to face the challenges of my current job to prevent the further slump of the city due to the effects of Covid. I am balancing health and economy to prevent hunger. We continue with our projects for the good of our city, income for the people and attain normalcy.”

Ayon naman kay Domogan, “We have been with you for the past many years and have seen how we have serve and performed our duties and responsibilities. Actually, for me, I am not going comeback, but with the series of pressure and request from you, a lot of our constituents and different sectors of our society.”

I lead my team now to again and agreed with your request and to be given a chance to serve our city of Baguio, to all of you, regardless of your own tribe,religion, so with God guidance and blessing, hopefully will have clean,honest and peaceful election,”pahayag ni Domogan. Ayon kay Domogan, sa tagal niya sa pulitika ay hangad niyang maglingkod muli with humility,honesty, transparency and integrity.”As we have been doing in all the election that we have been involve to, we are not going to forcely attack or pain the images of any of our opponents just for us to win.”

Sa paghahain ni Domogan noong Oktubre 7 sa ilalim ng Lakas Christian Muslim Democrats Party, kasama nito ang kanyang mga konsehal na sina re-electionst Benny Bomogao at Vladimir Cayabas; Ryan Mangusan,Elmer Datuin at Len Ortega,asawa ni dating Councilor Bobby“Bungo”Ortega, na pumalit sa kanyang anak na si Councilor Pakoy Ortega.

Nabatid na walang kandidato si Domogan sa Congressman at sa Vice Mayor at hindi rin nito binanggit kung sino ang kanyang susuportahan sa nasabing position.

Ang pagbabalik, ito naman ang naging sagot ni dating Vice Mayor Edison Bilog, sa muli nitong pagtakbo sa ikalawang pagkakataon sa pagka-Mayor.

“Well, unang-una po sabi nga nila, ang pagbabalik, bakit po gusto nating bumalik, una, para makatulong sa pagso-solve ng ating problema lalo na ngayon sa panahon ng pandemya. Nakita kung anong dami at kung gaano kalaki ang problema natin ngayon. Problema sa basura,sa kalikasan,problema sa pandemya,problema na din sa graft and corruption at higit sa lahat problema rin sa ating palengke.”

“Kami po ay na kay Bongbong Marcos, siya ang aming national head at sa local, sabi nga po nila ay another GoBiWan 2.0.” Si Bilog ay naghain ng kanyang kandidatura noong Oktubre 8 sa ilalim ng Partido Federal ng Pilpinas-Baguio City Chapter (PFP),kasama ang kanyang mga konsehal na sina Rico John Ferrer, Michael Humiding,Raymund Ruaro,Richard Dollente,Noel Mabutas at Marix Carantes.

“Talagang magiging makasaysayan na naman ang takbo ng pulitka ngayon,lalong-lalo na sa Mayor at mga botante lamang ang makakagawa nito nito,” ayon sa pahayagng isang Political Analysis na hindi pinabanggit ang pangalan.

Aniya, noong 2019, maituturing na Historical Fight ang election sa Baguio City. Si Domogan na nagsilbi sa loob ng 27 taon bilang Mayor at Congressman, ay natalo sa unang pagkakataon, samantalang si Magalong na first timer at independent ay nagtamo ng landslide victory sa opponent nito.

“Ngayon, ang muling pagbalik ni Domogan ay dalawang kasaysayan ang kinahaharap nito, ang manalo at makabalik sa pulitika o’ ang matalo muli at manatili na lamang sa pagiging political kingpin ng siyudad, dahil sa haba ng naging serbisyo nito, samantalang si Magalong kung mananalo ulit ay kasaysayan din, dahil natalo din niya si Domogan.”

“Ngayon, paano naman babanggain ni Bilog ang dalawang higanteng ito? Ito ay malaking hamon para sa kanya, na dapat niyang pagbutihin. Ang kapalaran ng siyudad para sa sinasabing humility, honesty, transparency and integrity; problema sa pandemya at good governance, ay nakasalalay sa kamay ng mga botante. Sila lamang makakagawa sa muling kasaysayan ng pulitika sa lungsod at para sa akin ay very exciting ang labanang ito.”

Zaldy Comanda/ABN