ISCC graduate, nanguna sa Midwife Licensure Exam 2017

LUNGSOD NG VIGAN – Nagtapos sa Ilocos Sur Community College (ISCC) sa lungsod na ito ang nanguna sa katatapos na Midwife Licensure Examination.
Si Paul Mark P. Pilar, isang rehistradong nurse, ang unang topnotcher ng naturang exam na nagtapos sa ISCC.
Si Pilar ay isang contractual employee na nagtuturo ng health care, caregiving, at non-professional subjects ng midwifery sa ISCC mula noong 2011.
“I only wanted my students in midwifery to believe what I am teaching, so I had to pass the board exam,” ani Pilar sa isang interview.
Aniya ay hindi pa rin siya makapaniwala sa naging resulta ng exam.
Kwento nito ay nagbakasakali lamang siya nang nag-apply sa ISCC. Dito ay natutunan niyang mahalin ang pagtuturo hanggang sa ito ang nagtulak sa kanyang mag-aral ng midwifery sa ISCC mula 2011 hanggang 2012. Nagpatuloy ito noong 2016 at ngayong taon lamang nakapagtapos.
Si Pilar, na may rating na 88.8 percent, ay nanguna sa kabuuang 3,360 examinees; 1,444 ang nakapasa sa board exam.
Sinabi ni Pilar na ang ISCC ay may 52 percent passing rate ngayong taon.
Samantala, si Gaisana Grace G. Divina ng University of Pangasinan ang naging panlima sa naturang exam at may passing rate na 87.95 percent. IPCR, PIA-Ilocos Sur / ABN

Amianan Balita Ngayon