80 lokal na pamahalaan ng Cordillera, may LDRRM plan

LUNGSOD NG BAGUIO – Inilahad ng Department of the Interior and Local Government (DILG-CAR) na 80 local governments sa rehiyon ang nakapagsumite na ng Local Disaster Risk Reduction and Management Plans (LDRRM) plans, isa sa pangunahing requirements para sa Seal of Good Local governance (SGLG).
Ayon kay Mary Ann Griba, DILG-CAR regional DRRM-CCA focal person, ang local governments na lamang na hindi pa nakapagsumite ng LDRRM plans ay ang provincial government ng Ifugao at municipal governments ng Hingyon, Ifugao at Bokod, Benguet.
Sa 80 na nakapagsumite ng plano, tatlo ang hindi nakasunod sa requirement na kailangang ang kanilang mga plano ay naaayon at tumutugon sa kasalukuyang risk assessment at vulnerability sa kanilang nasasakupan habang 23 local governments lamang ang may plano lagpas ng 2017.
Ang mga lokal na pamalaan ay may mandato na maglaan ng 5 porsyento ng kanilang annual budget para sa mga programa at proyekto sa disaster risk reduction and management. ABN

Amianan Balita Ngayon