Noong 2022 ay isang mahalagang desisyon ng Korte Suprema ng Estados Unidos ang gumulat sa buong mundo nang opisyal nitong binaligtad ang makasaysayang desisyon sa Roe v. Wade noong 1973 kung saan kinilala ang konstitusyonal na karapatan ng mga babae sa aborsiyon sa Estados Unidos sa kawalan ng pederal na mga batas sa pamamaraan. Sa naging desisyon noong Hunyo 24, 2022 ay naging malinaw na milyon-milyong mga babae sa US ang mawawalan na ng konstitusyonal na karapatan sa aborsiyon matapos ang pagbaligtad ng Korte Suprema ng US sa limampung-taon na Roe v. Wade na desisyon.
Pinuri ng simbahang katoliko partikular ng Batikano ang desisyon at hinamon ang mundo na magmuni-muni sa mga isyu ng buhay. Nagdulot ng nakakatakot na mensahe sa ibang mga bansa gaya ng Britain at France at iba pang mga bansa na angsabing amg desisyon daw ay isang paurong na hakbang. Sa Pilipinas kung saan ang aborsiyon ay nananatiling iligal ay nagpahayag ang mga non-government organizations at mga tagapagtaguyod ng kanilang pagkadismaya sa desisyon.
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang aborsiyon ay isang simpleng interbensiyon sa pangangalaga ng kalusugan na maaaring epektibong pamahalaan ng isang malawak na hanay ng mga health worker gamit ang medikasyon o isang operasyon, isang karaniwang pamamaraan sa kalusugan upang wakasan ang pagdadalang-tao. Bawat taon ay nasa 73 milyon na sapilitang aborsiyon ang nangyayari sa mundo at tinatayang isa sa apat na pagbubuntis ang humahangga
sa aborsioyn kada taon. Sinabi ng WHO na anim sa sampung hindi sinasadyang pagbubuntis
ang nagtatapos sa sapilitang aborsiyon.
Naging isang pangunahing pangangailangan sa pangangalaga ng kalusugan ang “pagpapalaglag” para mga milyong kababaihan at batang babae na nabubuntis. Gayunpaman, ang pagkakaroon ng ligtas at legal na aborsiyon ay nananatiling malayo pang magarantiyahan para sa mga babae sa maraming bansa na nangangailangan ng mga serbisyo sa aborsiyon. Ang karapatan sa ligtas at legal na aborsiyon ay isang pangunahing karapatang pantao na protektado sa ilalim ng ilang international at regional human right treaties at national-level constitution sa buong mundo.
Pinapatibay ng mga instrumenting ito ang ligtas na aborsioyn sa isang kalipunan ng mga karapatan kabilang ang karapatan sa buhay, kalayaan, pagkapribado, pagkakapantay-pantay at walang-diskriminasyon at kalayaan mula sa malupit, di-makatao at paghamak na pagtrato. Dito sa Pilipinas kung saan karamihan ay katoliko, ang aborsiyon ay hindi pa pinapayagan, iligal at may kaparusahan sa ilalim ng batas. Ayon sa ilan ang mga batas natin sa aborsiyon ay mahigpit at base sa hindi napapanahong lehislasyon. Ang kasalukuayng mga probisyon sa aborsiyon ng bansa ay base sa dalawang lehislasyon, ang Article II, Section 12 ng 987 Constitution at mga Article 256-259 ng Revised Penal Code of the Philippines.
Sa mahigit isang siglo ay isang krimen ang aborsiyon sa Pilipinas subalit ang pagpaparusa sa aborsiyon ay hindi nakapigil sa mga babae sa buong mundo sa sapilitang pagpapaplaglag o naibaba man lang ang bilang nga mga babae na sumasailalim sa sapilitang aborsiyon. Bagkus, ang mahigpit na mga batas sa aborsiyon ayon sa ilang grupo ay nagtutulak lamang sa mga babae sa hindi ligtas na aborsiyon. Katunayan ay amyroong 610,000 sapilitang aborsiyon ang naitala noong 2012 sa
kabila ng mahigpit na mga batas sa nasabing prosesong medikal at mahigit 100,000 Pilipina na
sumailalim sa sapilitang aborsiyon sa parehong taon ang naospital, sa kasamaan palad ay 1,000
sa kanila ang namatay dahil sa mga komplikasyon ng di-ligtas na aborsiyon.
Dahil sa kawalan ng ligtas at legal na aborsiyon ay may grabeng epekto sa pampublikong kalusugan sa mga buhay ng kababaihan at kalusuganna humantong sa 70 sapilitang aborsiyon sa bawat oras; 11 ang naoospital na babae sa bawat oras at tatlong babae ang namamatay dahil sa mga komplikasyon sa hindi ligtas na aborsiyon. Ang bilang na ito ay patuloy na tumataas sa mga taon, proporsyonal sa dumaraming populasyon ng Pilipinas. Sa pagitan ng 2015 at 2018 ay tumaas ang bilang ng aborsiyon sa Pilipinas sa 973,000 taon-taon, at patuloy na tumaas hanggang 2020 kung saan tinatayang umabot sa mahigit 1.26 milyon.
Kapansin-pansin na hindi napigilan ng mga mahigpit na batas sa aborsiyon ang aborsiyon at hanggang ngayon ay patuloy pa rin na maiinit na pinagtatalunan at nagiging sentro ng pamumulitika ng iba ang usaping ito. Hangga’t hindi nakakahanap ng tama at napapanahong
resolusyon sa isyung ito ay nakakatakot man aminin ay tataas at tataas pa ang bilang ng sapilitang
aborsiyon gayundin ang magiging biktima ng prosesong ito. Samatala, habang hindi pa tayo
nakakarating doon ay mas mabuti munang palakasin na lang ang edukasyon, impormasyon gabay at pangangalaga sa mga kababaihan lalo na ang kabataan na dapat magsimula sa bawat tahanan at pamilya.
November 18, 2023
September 13, 2024
August 31, 2024
August 24, 2024
August 17, 2024