BAGUIO CITY
Pasok ang grupong JKrayonz dance troupe sa UDO (United Dance Organisation) World Championship sa United Kingdom na gaganapin sa buwan ng Agosto ngayong taon. Ang pagiging kwalipikado ng grupo ay matapos makuha ang ikalawang puwesto sa UDO Asia Pacific na ginanao sa Chonburi, Thailand. noong Abril 5-8, 2024. Ang grupo ay nabuo noong 2008 at sa ngayon ay mayroon silang 29 miyembro at tatlong mga coach.
Sila ay maituturing na mga beterano pagdating sa sayaw dahil sa mga napagtagumpayan na nilang kompetisyon. Sumali sila sa kategoryang streetdance 18 under category at ang kanilang paghahanda ay umabot ng isang buwan. Nakalaban nila ang iba’t ibang grupo mula sa iba’t ibang panig ng Asya. Ang tema at konsepto ng kanilang sayaw ay tungkol sa pagmamahal para sa ating lungsod, kung saan ipinakita rin nila na ang mga taga-Baguio ay talentado at malikhain, na nagpapatunay na ang ating lungsod ay isang creative city.
Ngunit sa likod ng tagumpay ay dumaan sila sa iba’t ibang pagsubok gaya ng pinansyal na pangangailangan. Dahil sa mga estudyante pa lamang ang kanilang miyembro at limitado ang suporta sa grupo, kinailangan nilang maghanap ng tulong sa ibang tao at organisasyon, ngunit hindi pa rin naging sapat ito. Subalit hindi nagpatinag ang grupo at gumawa ng paraan upang makatuntong sa kompetisyon at irepresinta ang ating lugar.
Ngayong papalapit na ang Agosto, naghahanda na sila sa mas mataas pang kompetisyon. Ayon sa isa sa kanilang coach na si Wreigh Jann Tamayo, mataas ang kanilang pag-asa na mahigitan at manguna sa ibang grupo sa World
Championship. Dahil dito ay humihingi sila ng tulong pinansyal upang maipakita ang kanilang husay sa mas malaking entablado at irepresinta hindi lamang ang lungsod ng Baguio kundi ang buong Pilipinas.
By: Gwyneth Anne Mina/ UB Intern
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024
September 15, 2024