“Jueteng” alyas “Peryahan ng Bayan” sa Cagayan ECQ man o hindi”

Opinion

Walang kasing lakas ng loob ang “jueteng” operation sa Cagayan kahit ang kapitolyo at dalawang bayan pa nito ay isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown. Hindi magkamayaw ang pangongolekta “kubrador” ng Globaltech Mobile Online Corporation sa lahat ng bayan ng probinsya sa kabila ng napakabilis ang paglobo ng Covid-19 sa lugar at sa kabila pa ng walang pahintulot ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Cagayan upang mag-operate ito, pati na rin ang nakiki-rambol na operasyon ng Small Town Lottery.

Mismong ang opisina ni PCSO GM Royina Garma ang nagmandong tanging lotto, keno at scratch-it lang ang pinapayagan sa kundisyong hindi nasa ilalim ng ECQ ang lugar.

Sa madaling sabi, bulag at bingi kaya o napiringan na ang mata at pandama ng mga nagpapatupad ng batas gaya ng pulisya upang hindi isaalang-alang ang krisis pangkalusugan, bagkus sa kinang na lamang ng salapi?

Nananatiling ECQ ang kapitolyo—Tuguegarao City — ang epicenter ng paglaganap ng COVID-19 sa buong Cagayan Valley region na mayroong 1,348 active cases. Samantalang mayroon 335 cases sa Baggao at 215 naman sa Solana at may tig- 100 aktibong kaso ang 14 pa nitong bayan.

Humigit kumulang ng 4,103 aktibong kaso ang buong Cagayan Valley at nagkaroon na ng kabuoang 28,306 mula noong nagumpisa ang pandemya na ikinamatay ng 755.

Kahit ang operasyon ng PCSO-Accredited Collection Company (ACC) Sahara Gaming ng STL sa karatig na probinsyang Isabela ay
itinurong sanhi ng paglobo ng COVID-19. Mismong mga opisyal ang nagnais ipasara ang palaro sa kabila nang walang permit ang Sahara mula sa mga LGU.

Hindi pa ba sapat ang panananalasa ng COVID-19 upang mitsa ng pagkumahog ng otoridad na ugatin ang super spreader jueteng operations?