Jueteng patuloy pa rin sa Nueva Vizcaya

LA TRINIDAD, BENGUET – Patuloy pa rin ang illegal numbers game na jueteng sa Nueva Vizcaya na nadiskubre ng Cordillera police matapos mahuli ang dalawang bet collectors sa Lamut, Ifugao.
Nahuli ng mga otoridad si Daryl Manghi, 26anyos, mula Baguinge, Kiangan, at Gabriel Bayucca, 47anyos mula Halog, Lamut, na nangongolekta ng taya ng jueteng sa bayan ng Lamut.
Ang Lamut ang unang bayan sa Ifugao mula Bagabag, Nueva Vizcaya.
Ang tayang pera na P2,176 at jueteng paraphernalia ay kinumpiska ng mga otoridad mula sa dalawa.
Ayon sa mga otoridad, ang dalawa ay nangongolekta ng taya sa jueteng mula sa mga far flung barangay ng Lamut, Ifugao at inire-remit ang kanilang koleksiyon sa Bagabag, Nueva Vizcaya kung saan ang daily winning number combination ng jueteng ay inilalabas. A. ALEGRE

Amianan Balita Ngayon