Bus at kotse, nagsalpukan sa La Union

STO. TOMAS, LA UNION – Sumalpok ang isang pribadong sasakyan sa isang pampasaherong bus dakong ika-3 ng hapon noong Mayo 3, 2018 sa kahabaan ng national highway ng Damortis, Sto. Tomas, La Union.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabaybay ng bus na minamaneho ni Romel Garcia, 47anyos, residente ng Brgy. Nanguneng, Ilocos Sur, ang kahabaan ng south bound lane nang inagaw umano ng Toyota Innova na minamaneho naman ni Michael Ian Eslao, 35anyos, residente ng Brgy. Ubagan, Sto. Tomas, La Union, na nasa north bound lane ang lane ng bus.
Nagsalpukan ang dalawang sasakyan na nagresulta ng pagkakatamo ng galos ni Marilou Galvez, 33, pasahero ng bus, at ni Eslao na itinakbo sa La Union Medical Center para malapatan ng lunas ang mga natamo nitong mga galos. CHRISTIAN JASTINE V. MENDOZA, UC Intern

Amianan Balita Ngayon