Patuloy na umuusad nang maayos tungo sa inaasahang direksiyon ang Kindergarten to 12 (K to 12) program, habang ang karamihan ng unang nagtapos sa programa ay nakatakdang pumasok sa kolehiyo ngayong Agosto.
Ito ang ipinaalam ni City Schools Division Superintendent Federico Martin sa ginanap na Kapihan noong nakaraang linggo.
Tulad ng ulat, sa nakuhang kasanayang teknikal mula sa K to 12 program, ilan sa mga nagtapos ay may planong maging full-time entrepreneurs, may ilan pa ring nagtatrabaho bilang part-time para sa college degree. Ang layunin ng Senior High School ay ang zero drop-out situation, diin ni Martin.
Iniulat ni Officer-in-Charge Assistant Schools Division Superintendent (OIC, ASDS) Soraya Faculo na may 2.4% na pagtaas ng enrolment mula sa nakaraang taon na 58,874 na ngayon ay 60,332 sa 68 pampublikong paaralan sa lungsod, na karamiha’y nasa Senior High program.
Ang naturang pagtaas ay dahil sa pag-enrol ng mga estudyante mula sa mga pribadong senior high schools subalit ngayo’y mas pinili na maging bahagi ng pampublikong senior high school system. Ang enrolment statistics gayunpaman ay inconclusive dahil ang enrolment sa mga private schools ay malalaman pa hanggang sa katapusan ng Agosto. Ang naitalang populasyon sa mga private high schools noong nakaraang taon ay 37,000.
Isa pang dahilan sa pagtaas ng enrolment ay maaaring dahil sa pagbago ng mga polisiya sa edad ng mga kindergarten na nag-eenrol, na ngayo’y nasa 5 taong gulang sa loob ng school year; at matapos sumunod sa early childhood checklist, dagdag ni Faculo.
Ang student-teacher ratio na 31 to 1 ay ideal sa elementary level para sa 45 to 1 na standard, ani Faculo. May mga idinagdag na guro at ang mga gusali ay itinatayo upang mabawasan ang pagsisiksikan ng mga estudyante sa high school classrooms, dagdag niya.
Ayon kay School Governance and Operations Division Chief Arthur Tiongan, mas maraming classrooms ang itinatayo, mula sa pondo ng government agencies na Dep-Ed at Department of Public Works and Highways (DPWH), at ang Special Education Fun (SEF) ay ginagamit.
Ang voucher system na naglalaan ng P17,500 sa bawat senior high school students sa mga urban areas ay patuloy pa rin. Ang ESC subsidy para sa mga mag-aaral na tinatanggap sa mga pribadong paaralan mula sa public school, at iba pang incentives, grants at private scholarships ay maaari ding pakinabangan.
Mahigpit na pagsubaybay ang ginagawa tungkol sa mga ulat sa scholars at grantees na kinakailangang isumite mula sa mga senior high coordinators, na maaaring magawa sa pamamagitan ng malapit at maayos na partnership sa pagitan ng public at private school sa lungsod, diin ni Martin.
Ang K to 12 program na may karagdagang dalawang taon sa basic education system ng Pilipinas ay marami ang nabahala noon, na may ilang mga negatibong reaksiyon. Ngayon, ayon kay Martin, halos kakaunti na ang mga tumututol sa nakikitang advantages at benefits mula sa programa.
Para sa mga bumabalik na college students, isang programa sa lungsod na tatanggap sa kanila ang inilulunsad ng isang Christian group. J.G.FIANZA / ABN
July 23, 2018
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025