Kahit mistula nang sirang plaka ay muli na namang hiniling ng pamahalaang lungsod sa Department of Public Works and Highways Cordillera Administrative Region (DPWH-CAR) na makipag-ugnayan sa tuwing may ipapatupad na proyekto sa lungsod.
Sa pinirmahang City Council Resolution No. 213-2018 ni Mayor Mauricio Domogan at paghikayat ni Councilor Joel Alangsab sa paulit-ulit na pag-adopt sa iba’t ibang resolusyon sa nakalipas na may kaugnayan sa parehong hiling, ang pinakamatagal ay inaprubahan pa noong 2011.
Halos taon-taon ay nagbibigay ng reklamo ang lungsod sa kabiguan ng DPWH sa koordinasyon ng kanilang mga proyekto sa lokal na pamahalaan, mga barangay, public utility companies at iba pang sektor.
Ayon sa mga opisyal ng lungsod, ang ganitong uri ng lapse ay nagreresulta sa traffic congestions at abala sa publiko na maaaring iwasan sa maayos na pagpaplano at information dissemination kung may pakikipag-ugnayan.
Ang malala, ang mga lokal na opisyal ang sinisisi sa mga abalang nararanasan. Sa kamakailang aksyon, ang kinatawan sa pamamagitan ng Resolution No. 213-2018 ay nagpapaalala sa DPWH-CAR ng probisyon ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code na nagtatakda ng kinakailangang koordinasyon.
Nakasaad sa Section 524 (b) na walang imprastraktura o anumang proyekto sa komunidad na nasasakupan ng local government unit ang isasagawa nang hindi ipinapaalam sa local chief executive at kinauukulang sanggunian.
Sa ilalim ng Section 2 (c), “It is likewise the policy of the State to require all national agencies and offices to conduct periodic consultations with appropriate local government units, nongovernmental and people’s organizations, and other concerned sectors of the community before any project or program is implemented in their respective jurisdictions.” “Any national or local road, alley, park, or square may be temporarily closed during an actual emergency, or fiesta celebrations, public rallies, agricultural or industrial fairs, or an undertaking of public works and highways, telecommunications, and waterworks projects, the duration of which shall be specified by the local chief executive concerned in a written order. Provided, however, That no national or local road, alley, park, or square shall be temporarily closed for athletic, cultural, or civic activities not officially sponsored, recognized, or approved by the local government unit concerned,” ayon sa nakasaad sa Section 21 (a).
Samantala sa Section 27 ay nakalahad na walang proyekto o programa ang maaaring ipatupad ng otoridad ng gobyerno maliban lamang kung natupad ang mga konsultasyon na binanggit sa Section 2 (c) at 26 (Duty of National Government Agencies in the Maintenance of Ecological Balance), at naunang pagsang-ayon ng sanggunian.
Kabilang din sa pinaaalalahanan ay ang City Engineering Office (CEO) at City Buildings and Architecture Office (CBAO).
Sa iba pang aksyon, hiniling ng konseho sa DPWH-CAR, CEO, at City Environment and Parks Management Office at mga barangay ang mahigpit na implementasyon ng Ordinance No. 2-2012 na nagbabawal ng paghahalo at paglalagay ng cement batching stations sa mga pangunahing daanan.
Sa Resolution No. 212-2018 na iniakda ni Vice Mayor Edison R. Bilog at Alangsab, idiniin ng kinatawan na “despite the existence of the legislation, numerous reports are being received by the different offices of City Government of Baguio on violations of the said Ordinance committed by some contractors and its personnel.” A.P.REFUERZO / ABN
July 23, 2018
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025
March 22, 2025