KABAHAN O DI PANSININ?

KUMPIRMADO na ng ating mga eksperto ke Covid-19 — na dapat lamang na pakinggan at
paniwalaan — ang pinakahuling bersyon nya. Ang ibinansag ay XBB, isang mutated viral form na ngayon ay nagsimulang manalasa sa iba’t ibang lugar sa Asya kung saan kabilang an gating mahal
na ‘Pinas. Kunsabagay, noong isang lingo pa ay binalaan na tayo, mismo ng ating mga dalubhasa
na mayroong parang supervariant mula sa Omicron ang bagong panganib na hinaharap ng sangkatauhan. Kasama syempre ang ‘Pinas, at higit na dapat tayong maging mapagmasid, pangunahin na rito an gating kalusugan at kaayusan.

Ayon sa huling paglalahad, nasa higit 20% na ang inakyat ng positivity rate, malaking pagbulusok sa loob lamang ng isang lingo. Kung nasa 500 lamang ang average case count sa buong bansa natin, biglaan naging 1,500 plus na. Nitong nakalipas na mga araw, pangunahing balita pang kalusugan — matapos ang byaheng “Merica ni PBBM” — ang hindi malupig-lupig na virus. Hindi kaila na ang buong akala ng lahat ay paparating na sa huling hantungan si Covid. Lahat na ng restriksyon ay
tinanggal na nga, ang mga lockdown na syang pananggalang sa kalusugan nitong mga halos ay tatlong taong singkad.

Madalas ngang sinasabi ng mga eksperto na wala ng peligro ke covid, tuloy-tuloy na ang agos ng
buhay, ang pag-ahon mula sa dilubyong dulot ng pandemya. Sa India tila nagsimula ang bagong super-variant, sumunod sa Singapore at ngayon naman sa Japan. Lahat ng mga bansang ito ay nasa
Asia, di ba? At kamakailan lamang, araw lamang ang nagdaan, naibalita na mayroon ng kaso ng pagkakahawa sa kakaibang virus. Kakaiba dahil higit na mabilis na humawa, gayong hindi pa maseguro kung kasing tindi ng mga naunang mga anak ni Covid, tulad ng Delta na syang pinakamatindi sa mga nanalasa sa atin.

Syempre ang mga matatanda at mga indibidwal na may maselang karamdaman ang unang tatamaan ng panibagong pagkakahawa. Syempre, may bagong banta, kaya naman may manawagan ng bagong pagiingat. Di tulad ng mga variant ni Omicron, si XBB ay tila mas mabilis pa makahawa. At may mga sensyales na higit pa ang bagsik ke Delta, gayung mga priority persons ang tila madaling kapitan nito. Kaya dapat lamang na ulitulitin ang panawagan na ilang lingo na ring isinisigaw. Ano ba talaga itong si Covid. Dapat nga bang dapat kabahan? Dapat nga bang pangilagang muli, tulad ng mga nagdaang panahong binalot tayo ng takot?

Babalik na naman ba tayo sa mga panahong doble-triple ang pag-iingat na ginawa sa araw-araw nang si Delta ang nanalasa sa atin? Sa ngayon, tiwala ang mga eksperto sa pandemya na wala pang dapat ikabahala. Ang mga ospital ay hindi pa nakikitaan ng mga bagong kasong kailangang iospital. Yung mga kritikal ang kanilang tinutukoy. Kung sabagay, alam na natin ang ugaling Pinoy. Uboubo, sipon-sipon ay ipinagwawalang bahala. Papaospital ka pa ba? Pahinga lamang daw ang kailangan. Lilipas at lilipas din iyan. Sa ngayon, kailangan lamang ang pag-iingat. Ang mga sariling pamamaraan upang bigyang proteksyon ang sarili. Kung bakunado na at boostered pa, why worry, ika nga.

Hugas-kamay, Wastong distansya sa kapwa. Muling pag-susuoot ng face mask sa mga matataong lugar, lalo na sa mga indoor setting — mga pampublikong sasakyan, mga pinapasyalang shopping
center at mall. Ang mga paraang ito ay mga pansariling kaligtasan. At kaligtasan ng mga mahal sa buhay. Dapat bang kabahan? Bakit hindi, eh higit na mabangis daw kaysa ke Delta. Dapat bang kabagan? Pangtiyan lang iyan. Kung sa loob ng tatlong taon, naiwasan nating mahawa, sa tulong ng
mga bakunang ating tinanggap ng maluwag sa kalooban, bakit naman tayo hindi mababahala.

Super-variant itong bagong banta, kaya dapat ang nararapat, ang pagtunggali sa kakaibang virus na tila tuloytuloy lamang ang panganganak mula ke Covid. Iba na ang nag-iingat. Huwag nating pagtiwalaan na naging Superman at Wonder Woman na tayo dahil nalampasan natin ang hagupit
ni Covid. Nandyan pa sya, may bagong banta, naghihingalo pero matindi pa rin ang hampas ng kanyang bagsik. AngatTayoBaguio, dyan tayo may progreso! Ke Covid, walang asenso, doble-triple
ingat tayo!

Amianan Balita Ngayon