LA TRINIDAD, BENGUET – Nasilo ng anti-illegal drugs operations ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR) ang P6-milyong halaga ng marijuana at apat na pinaghihinalaang shabu pushers na may edad 17 hanggang 22 sa unang linggo ng Mayo lamang.
Sinabi ni PROCOR Chief Supt. Edward Carranza na mayroong 30,200 fully grown marijuana plants ang sinira sa bayan ng Tinglayan, Kalinga mula Mayo 1 hanggang 6, samantalang tatlong teenager at isang 22-anyos na criminology student mula lalawigan ng Abra ang naaresto at nasa kulugan matapos ang dalawang magkahiwalay na buy-bust operations.
Sinabi ni Carranza na sinira ang mga marijuana na may street value na P6-milyon.
Ang mga naarestong suspects sa buy-bust operations ay kinilalang sina Paul Panganiban, 22; John Brixxe Brioso Cortez, 19; Lester John Agustin Garcia, 18; at isang 17-anyos na lalaki, lahat ay mula sa Bangued, Abra.
Si Dacalan, na criminology student, ay naaresto sa Sinapangan, Zone 6 sa hiwalay na buy-bust operation, at nakumpisa ng mga otoridad sa suspect ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at buy-bust money na P1,500.
Ang tatlong suspects ay naaresto sa Barangay Macray ng Bangued at nakuha mula sa kanila ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at buy-bust money na P250. P.AGATEP, PNA
May 12, 2018
May 12, 2018
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025