Kabataan, nakilahok sa unang Cordillera youth assembly

Mar 17, 2017

LA TRINIDAD, Benguet – Isinagawa ang kauna-unahang Regional Youth Assembly sa Cordillera na ginanap sa Capitol, La Trinidad, Benguet bilang bahagi sa pagdiriwang ng Strawberry Festival.
Ang pagtitipon na may temang “Peace-loving global youth: lead, act and multiply” ay nilahukan ng mahigit 300 na kabataan.
Ayon kay Ronie Sodusta, isang speaker sa programa, ang ibig sabihin ng kanilang tema ay para turuan at impluwensyahan ang bawat kabataan. “Isang ina-address namin ay ang stand for purity,” aniya.
Anim na speaker o lecturer ang nagbigay ng kanilang mensahe.
Si Ama John Mangiwet Gawee Jr., regional lecturer ng Universal Peace Federation ng Cordillera, ang tumalakay sa The Need for Leadership Revolution habang si Ronie Sodusta ng special youth envoy naman sa Principles of Peace. Si Municipal Councilor Roderick Awingan ng La Trinidad ang nagtalakay sa Leadership, Politics and Social Change.
Nagkaroon din ng pagkakataon si Vladimir Cayabas, school administrator ng NIIT, na ituro sa kabataan ang Role of Academe in Promoting Youth Leadership and Social Change.
Panglimang tagapagsalita si Jim G. Botiwey, provincial board member, sa kanyang pangaral sa kabataan tungkol sa Purpose and Transforming the World.
Si Richell Jalipa, director for education ng FFWPU ng Asia, ang tumalakay tungkol sa core values ng isang leader gaya ng pure love, filial piety at patriotism.
Ang layunin ng Regional Youth Assembly ay para pahalagahan ang kadalisayan ng bawat kabataan  lalo na para maturuan at impluwensyahan nang tama ang kabataan.
Ang Universal Peace Federation o UPF at ang World Collegiate Association for the Research of Principles o WCARP ang nag-oorganisa sa ganitong programa at umiikot sa iba’t ibang lugar para ibahagi ang kanilang layunin sa bawat kabataan.
Samantala, nagkaroon din ng Regional Youth Assembly sa Benguet State University noong March 11. Jessalyn M. Soreno, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest