Anti-road obstruction, pinaigting

LUNGSOD NG BAGUIO – Lalo pang hihigpitan ang pagpapatupad ng Traffic and Transportation Management Committee (TTMC) ng lungsod sa Anti-Road Obstruction.
Ito ang tinalakay sa ginanap na pulong ng committee Baguio Convention Center noong March 16, 2017.
Layunin nito na linisin ang kalsada sa pamamagitan ng pag-aalis sa mga illegal na nakaparadang mga sasakyan at encroachment ng mga establisimyento.
Ang nabuong Anti-Obstruction Task Force ay binubuo ng composite team mula sa  city engineering office, city government, Land Transportation Office, Department of Public Works and Highways at Traffic Management Unit ng kapulisan.
“Para lumuwang ang kalsada natin, nag-create ang TTMC ng anti-road obstruction. Ang primary purpose nito ay ang pag-alis sa mga illegally parked sa kalsada. Dapat may car responsibility ownership ka kung may jeep ka o kotse ka, dapat may sarili kang paradahan. Dahil in the future yun ang gusto ng city of Baguio upang maging aware ang mamamayan na magkaroon tayo ng tinatawag na responsible car ownership,” ani Baguio traffic adviser Engr. Ted Tan ng city engineers office.
Aniya, ang nakikitang isa pang solusyon ay ang magkaroon ng mechanism kung paano mareresolba ang ganitong problema na gagampanan ng traffic office gaya ng pagdaragdag ng traffic enforcers at magkaroon ng proper enforcement. Liezel Eunice Callejo, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon