KABATAAN NG BARANGAY GIBRALTAR MAY BAGO NG SK BUILDING

BAGUIO CITY

Natupad na ang minimithi ng mga kabataan ng Barangay Gibraltar na magkaroon ng sariling Sangguniang Kabataan building, na inaasahang matatapos ngayong Marso. Ito ay proyekto ng
kasalukuyang administrasyon ni SK Chairman Eric Sinner, n amula sa kanilang SK annual budget.
Noong 2018, inaprubahan ang P2 miyong budget para sa paglalagay ng dalawang palapag na gusali ng SK, ngunit hindi ito naisakatuparan dahil sa pandemya, hanggang sa naipatupad lamang muli ito noong Enero 2023.

Ayon kay Gibraltar Punong Brangay Nemesio Huag, inaasahan niya at ng mga opisyal ng Barangay Gibraltar na ang proyektong ito ay mapapakinabangan ng mga kabataan. “Actually, yung funding
eh ay nilakad nila noon pa. Matagal na 2018. But it’s good na na-implement, naaprubahan. Pondo yan ng SK, extracted from the general funds of the barangay.

Siyempre I have to give them some advice for the construction” “It benefits kasi kung minsan, nag me-meeting sila sa may basketball court. So now, may office sila. Diyan na sila mag meeting at tsaka mag pagsasagawa ng mga activities nila. Mas pormal at comfortable sila,” pahayag ni Huag. Bukod sa permanenteng SK office, ito ay magsisilbing venue para sa iba’t ibang aktibidad ng kabataan sa barangay.

Ron Christian Nacionales-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon