SENIOR CITIZEN DATA FORM, PANGUNAHING LAYUNIN SA SOCIAL PENSION

BAGUIO CITY

Sa kasalukuyang panahon, napakahalaga ang mga datos at impormasyon sa bawat sektor ng lipunan upang makapagbigay ng nararapat na serbisyo at tulong lalo na sa mga sektor ng senior citizen sa siyudad ng Baguio. Ayon kay President of the Federation of Baguio Senior Citizens Association, Edita Lina Ibarra, “Hindi na po kasi tayo under ng DSWD. But we are now under the National Senior Citizens Commission. Nakahiwalay na po tayo sa kanila”.

Hiniling din nila kay Congressman Mark Go na maisama sa SOCPEN ang mga pensioners na nakakatanggap ng P5,000 pababa kada buwan. Ayon sa kanila, hindi sapat ang halagang ito para sa
kanilang mga pangangailangan sa gamot at iba pang mga pang araw-araw na gastusin. Dagdag pa rito, ang qualification para sa Social Pension ay ang mga itinuturing na “Poorest of the poor”, at
hindi na dapat dayain dahil bawat senaryo ay binibigyang-pansin.

Ngayon, maaari na ang lahat ng mga qualified na 60 years old pataas na hindi pa pensioner na mag-apply para sa nasabing programa. Isa sa mga hakbang upang mapagtibay ang kanilang
pagkakakilanlan at makapagbigay ng tamang serbisyo ay ang pagkumpleto Senior Citizen Data Form. Ito’y mahalaga ayon kay Ibarra upang makita ng gobyerno ang kanilang mga pangangailangan at maaari nilang magawan ng hakbang upang mapunan ang mga ito.

Nakikipag-ugnayan din si Ibarra sa mga Barangay Health Workers upang masiguro ang mga senior citizens na talagang nangangailangan ng tulong sa gamot upang masustentuhan ng agarang aksyon.
“Kung mayroon kayong ka-partner na 60 years old and above, tulungan natin sila at sabihan
na pumunta sila sa barangay office ng sa gayon ay mabigyan ng kaukulang tulong”,dagdag pa ni
Ibarra.

Ron Christian Nacionales-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon