Kabig ng sugal

Jun 25, 2017

Isa sa mga ahensiya na pinagkukunan ng malaking pondo ng gobyerno ay ang Philippine Charity Sweepstakes (PCSO), mga palaro sa ilalim ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), mga Casino  at kamakailan ay ang Small Town Lottery (STL) na sinasabing papatay sa ilegal na “jueteng” na pumailanlang ng napakatagal na panahon.
Naging laganap na rin ang e-Bingo na sa kasalukuyan ay isinusulong sa La Trinidad, Benguet. Sa lungsod ng Baguio ay naging mainit din ang isyu tungkol sa e-Bingo at ito lang nakalipas na linggo ay binigyan na ng permit ng konseho ng lungsod ng Baguio ang tatlong operators ng e-Bingo. Ito ay sa kabila ng maigting na pagtutol at pagkondena ng ilang grupo sa anumang uri ng sugal sa lungsod. Ayon sa konseho ay nasunod naman daw ng mga nasabing e-Bingo operators ang mga alituntunin at mga requirement na hinihingi ng konseho kaya inaprubahan ito.
Sa paglaganap ng sugal sa lungsod ay unti-unti ng napapalitan ang imahe nito at tila nagiging sentro na ito ng sugal at dahil nga sa paboritong destinasyon ng mga turista, lokal man o banyaga ang lungsod, ay maganda nga namang pang-akit ang sugal. Hindi natin maitatatuwa na malaki ang ambag ng mga (legal?) na sugal sa kaban ng gobyerno at nagagamit din ito sa mga kawanggawa at iba pang gastusin ng gobyerno, subalit kung sa mga lugar na mahigpit ang pagtutol ng mga tao ay nananaig pa rin ang sugal dahil na rin sa sinasabing nakasunod sila sa “requirements” ay ano na kaya ang kahihinatnan ng lipunan? Sadyang malakas nga ang kabig ng sugal dahil sa madaliang pera nga naman kung nanalo at kung matalo man sari-saring istorya na ang mangyayari.
Maging ang mga konsehal na pumabor sa operasyon ng mga e-Bingo na ito ay nagsugal na rin dahil kahit pa sabihing ginawa nila ang kanilang trabaho, ayon sa itinatakda ng batas at alituntunin ng konseho, ay hindi nila maiiwasang maraming magagalit sa kanilang botante na tutol sa sugal. Sadyang malakas talaga ang kabig ng sugal – subalit sabi nga nila, kapag marunong kang magsugal ay wala kang katalo-talo, kaya?                        PMCJR.

RELATED POSTS

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest