NITONG MGA huling araw, sumambulat ang balitang mayroong parang super-variant mula sa
Omicron ang bagong panganib na hinaharap ng sangkatauhan. Kasama syempre ang ‘Pinas, at higit na dapat maging punong abala ng mga kinauukulan. Aba, akala natin ay paparating na sa huling
hantungan si Covid. Lahat na ng restriksyon ay tinanggal na, ang mga lockdown na syang pananggalang sa kalusugan nitong mga halos ay tatlong taong singkad. Madalas ngang sinasabi ng mga eksperto na wala ng peligro ke covid, tuloytuloy na ang agos ng buhay, ang pag-ahon mula sa
dilubyong dulot ng pandemya.
Super-variant ang sinasabing nakaamba. Tinamaan na ang India, na hindi naman kalayuan sa ‘Pinas. At nitong Webes lamang, naibalita na mayroon ng kaso ng pagkakahawa sa kakaibang virus. Kakaiba dahil higit na mabilis na humawa, gayong hindi pa maseguro kung kasing tindi ng mga naunang mga anak ni Covid. Syempre ang mga matatanda at mga indibidwal na may maselang
karamdaman ang unang tatamaan ng panibagong pagkakahawa. Syempre, may bagong banta, kaya
naman may manawagan ng bagong pag-iingat. Ano ba talaga itong si Covid. Dapat nga bang dapat
kabahan? Babalik na naman ba tayo sa mga panahong dobletriple ang pag-iingat na ginawa sa araw-araw nang si Delta ang nanalasa sa atin?
Sa ngayon, tiwala ang mga eksperto sa pandemya na wala pang dapat ikabahala. Ang mga ospital ay hindi na nakikitaan ng mga bagong kasong kailangang iospital. Yung mga kritikal ang kanilang tinutukoy. Sa ngayon, kailangan lamang ang pag-iingat. Hugaskamay, Wastong distansya sa kapwa. Muling pag-susuoot ng face mask sa mga matataong lugar, lalo na sa mga indoor setting — mga pampublikong sasakyan, mga pinapasyalang shopping center at mall. Kakabakaba ka ba? Dapat
lang, hindi ba? Kung sa loob ng tatlong taon, naiwasan nating mahawa, sa tulong ng mga
bakunang ating tinanggap ng maluwag sa kalooban, bakit naman tayo hindi mababahala.
Super-variant itong bagong banta, kaya dapat ang nararapat, ang pagtunggali sa kakaibang virus na tila tuloy-tuloy lamang ang panganganak mula ke Covid. Ating ulitin ng kakaibang paglilinaw: iba na ang nagiingat. Huwag nating pagtiwalaan na naging Superman at Wonder Woman na tayo dahil nalampasan natin ang hagupit ni Covid. Nandyan pa sya, may bagong banta, naghihingalo pero matindi pa rin ang hampas ng kanyang bagsik. MALAKING pasasalamat sa mga alagad ng turismo
nitong huling mga araw. Naidaos ang masiglang Food Festival na idinaos sa iba’t ibang lugar sa ating lungsod. Nagkainang umaatikabo, nagkabusugan, nagkabundatan .
Congratulations sa mga punong abala upang maipamalas ang mga kakaibang putahe ng lutong Cordillera. Mabuhay kayong lahat! Kaya naman, sa gitna ng patuloy nab anta ni Covid, sige lang, ituloy lang ang pagpapasigla sa turismong napalagapak nitong huling tatlong taon. Ang iba pang sector ng ating ekonomiya ay tuloy pa rin sa pagbubukas, walang awat na umaangat, walang hadlang sa pagbangon. AngatTayoBaguio, dyan tayo may progreso!
April 29, 2023
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 5, 2024