Kakaibang produkto mula sa strawberry, agaw-pansin sa La Trinidad

LA TRINIDAD, BENGUET – Maliban sa mga cakes, inumin at souvenir na gawa mula sa strawberry na matatagpuan sa mahigit na 20 stalls sa Strawberry Lane ay isang produkto ang agaw pansin, ang mga produktong sabon na gawa sa strawberry.
Metaphors ang pangalan ng stall na matatagpuan sa unang linya ng Strawberry Lane. Ito lamang ang may tindang sabon na gawa sa strawberry.
Ang strawberry soap ay gawa sa fresh strawberries ng Benguet at nakakatulong sa pagtanggal ng mga karaniwang skin problems katulad ng acne, anti-aging at blemishes.
Nakakatakam din ang mga pangalan ng sabon na kanilang itinitinda katulad ng salad bar na nakakatulong sa pagtanggal ng dead skin sa katawan at mukha. Pinipigilan din umano ang pagdami ng mga dark spots sa katawan na karaniwang nakukuha sa araw. Mayroon din silang strawberry and goat’s milk na tumutulong na pagandahin ang balat.
Ang iba pang produkto ng Metaphors ay kinabibilangan ng rice bran soap, feminine wash bar, glutathione soap, collagen soap, oatmeal soap, activated bamboo charcoal soap at guava soap.
Ayon kay Jaina Ashlyn M. Owas ng Metaphors, ang strawberry soap ay hindi lamang nationwide kundi naipapadala na rin ito sa buong mundo. “Safe gamitin kase it is pure organic unlike sa ibang products na my mga chemical, this is all processed in natural ways. In line din siya sa one town one product ng La Trinidad,” aniya.
Matatagpuan ang Metaphor laboratory sa Chinese Village, Puguis, La Trinidad. Nagsimula ang operasyon nito sa pangunguna ni Lorna Jane Ayupan.
“Sponsored by DTI at DFA approved ang aming produkto kaya nakakasigurado kaming safe ang paggamit ng strawberry soap at hindi lamang sa mga soap namin pati na rin sa ibang produkto katulad ng body scrub at massage oil,” dagdag pa niya. Jessalyn M. Soreno, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon