KALAHOK SA FLOAT PARADE, NAGHAHANDA NA

BAGUIO CITY

Puspusan na ang preparasyon ng mga kalahok ng float making contest, na ibibida at ipaparada sa kinasasabikang Float Parade ng 28th Panagbenga Festival sa Pebrero 25. Ang grand street dancing at Flower Float parade ang itinuturing na crowd drawing event sa selebrasyon ng Panagbenga, na kung saan ang mga residente at turista ay dumadagsa para saksihan ang mga float na ang iba ay lulan ng mga celebreties. Todo-todo na nga ang paghahanda ng mga kalahok ng nasabing patimpalak kung saan isa na rito si Galdong Lang Udan na mula 2017 ay sumasali na rito.

“Sari-sarili lang namin. Ngayon ang kagandahan ng float, challenging. Dito lumalabas talent mo. Dito lumalabas yung imagination mo,” ani Galdong Lang Udan, kalahok sa float making contest. Sa pagbuo naman ng float ay kanya kanyang diskarte sa mga materyales  at kinakailangang ng mahigit dalawampung katao upang mabuo at maisaayos ang float. Ani nga ni Galdong, kung dati ay siya ang umaabang at sumusubaybay sa makulay at mabulaklak na mga float, ngayon, ang mga obra na niya ang pinapanood ng publiko. Sa ngayon, hindi pa maaaring isapubliko ang mga disenyo ng float, at maipapalabas lamang ito sa pagsisimula ng nasabing patimpalak.

By: Almira Mia P. Marasigan /UB Intern

Amianan Balita Ngayon