Photo Caption: BIBE SA ULO – Patok na patok ngayon sa masa ang Bibe clip na unang nauso at sumikat sa Baguio City, na ngayon ay trending na din sa iba’t ibang lugar.
Photo by Valerie Ann E. Dismaya/ABN
BAGUIO CITY
Kinaaaliwan ngayon ang nauusong clip on bibe, hindi lamang mga residente, kundi pati mga turista ay nagsusuot at nakikisabay sa uso. Ang Bibe clip ay unang nauso sa siyudad ng Baguio,hanggang sa madala ito sa iba’t ibang lugar. Sa ngayon may iba’t ibang disenyo na gaya ng clip on windmill, beansprout at puso na ikinakabit sa sumbrero, palda, ribbon at iba.
“Parang naghanap na ng ibang option yung ating tourist, so yun nga bagong option kasi itong bibe, so kaya siya madaling pumatok,” pahayag ni Amber Colalong, model at fashion enthusiast. Isa sa mga dumayo rito mula pang Pangasinan ay si Aiza Sabaten kung saan ibinahagi niya na ito na ang pangalawa niyang pag punta sa Baguio at kaya siya bumibili nito ay pampasalubong niya sa kanyang mga anak.
Sa kabila ng pagsikat ng mga nasabing clip on bibe, ayon sa pananaliksik, nagsimula ito sa China noong taong 2015 kung saan naging parte ng kanilang fashion trend ang clip on bean sprout. Dagdag pa ni Colalong, kung mapapansin nga sa mga online shopping platforms, karamihan sa mga seller’s location ng nasabing clip on ay nasa China, at inaangkat na lamang sa bansa upang ibenta.
Kung mapapansin, kabi-kabilaan nga ang pwesto ng mga nagtitinda ng mga clip on, at pati mismong mga nagtitinda nito ay nagsusuot din, isa na nga rito si Aiza Gonzales na kabilang sa Market Encounter Exhibitor kung saan kaya niya naisipang magbenta nito ay dahil ito ang uso at patok sa panlasa ng publiko. “I think this trend, this bibe trend would go on for a while siya since papalapit na ang Panagbenga, it’s really the month of Panagbenga, so I think mas maraming bibili ngayong mga tourist sa bibe na ‘yon,” ayon kay Jericho Uy Fazon, fashion expert.
Sa biglaang pagsikat nga nito lalo na sa social media ay umabot na rin ang mga clip on bibe sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, gaya na lamang sa Divisoria ng Manila at sa Bataan. Inaasahan namang magpapatuloy ang bilang ng mga taong tatangkilik sa clip on bibe lalo na ngayong kasagsagan ng Panagbenga Festival, na sa bawat sulok ng Baguio ay may nagtitinda nito.
By: Valerie Ann E. Dismaya /UB Intern
February 19, 2024
February 21, 2024
December 4, 2024
November 30, 2024
November 27, 2024
November 19, 2024
November 11, 2024