KALIDAD NG MGA PRODUKTO SINIGURO NG BAPTC

LA TRINIDAD, Benguet

Siniguro ng mga vendors at traders mula sa Benguet AgriPinoy Trading Center, na nananatiling may kalidad ang kanilang mga produkto na ibinbenta patungong Maynila Ipinahayag ito ng mga vendors nang personal nagtungo si Assistant Secretary Rex Estoperez, concurrent chief of staff ng Department of Agriculture,para alamin ang kundisyon ng mga traders at ang mga kagamitan sa loob ng BAPTC,noong Marso 24.

Nagpahiwatig ni Estoperez sa mga traders kaugnay sa pagtaas ng presyo ng bilihin mula sa P30 mula sa Benguet at pagdating sa National Capital Region ay nasa P120.00 na. Itinugon ng mga vendor na kailangang pagandahin nila ang kanilang mga produkto na may kalidad, na kahit may kamahalan ay nananatiling sariwa ito. Idinagdag din nila ang mga gastusin sa pagbibiyahe nito, gaya ng hindi stable na presyo ng gasoline,na nakaka-epekto sa kanilang negosyo.

May hinaing din ang mga vendors at traders sa bagong korporasyon ng BAPTC, sa paghihiwalay nito sa pamahalaan. Ayon sa mga vendors at traders, mahirap silang makakuha ng kaalaman sa kanilang ani na hawak ng BAPTC para sa logistics ng kanilang produkto. Marami sa kanila ang nahirapan sa pagproseso ng mga kaukulang dokumento at pagkuha ng permiso sa mga opisyal ng BAPTC.

Ngunit, sinabi ng mga opisyal na ito ay magiging mas madali at para masiguro na maayos ang kalidad ng mga serbisyo na kanilang ipinamahagi. Kahit may mga isyu, sinigurado ng BAPTC na nagbibigay sila ng tulong sa mga kaukulan upang mapagaan ang kanilang mga karanasan sa mga susunod na transaksyon. Inaasahan ng korporasyon na masosolusyunan ito sa lalong madaling panahon upang mas mapabilis at mapagaan ang transaksyon sa mga kliyente.

By Trevor Ayangwa,UB Intern

Amianan Balita Ngayon