BAGUIO CITY
Naganap na ang pinakahihintay na konsyerto ng University of Baguio Voices Chorale na pinamagatang, ‘Some Enchanted Moments’ na isinagawa sa University of Baguio Centennial Hall noong Marso 24-25. Ang pagsasagawa ng konsyerto ay parte ng paghahanda nila sa mga nalalapit nilang kompetisyon. Hinangaan ng mga manonood ang pagtatanghal ng grupo para sa kanilang mga manonood dahil sinamahan nila ang kanilang pagkanta ng pagsasayaw.
Kilala ang UB Voices Chorale na nakikilahok sa nasyonal at internasyonal na kompetisyon. Kilala rin na isang mahusay na choir group sa Cordillera dahil sa mga natamo nilang parangal katulad ng pagiging Hall of Famer mula 2014 hanggang 2016 at Best in Show Choir sa MBC National Choral Competition noong 2016. Napagtagumpayan din ng grupo ang ‘High Silver Medal’ sa Rimini International Choral Competition na ginanap sa Rimini, Italy noong 2020 ngunit ito naganap ng virtual.
Ngayong 2023, binubuo ang grupo ng panibagong mga miyembro na naghahangad ring makasali sa nasyonal at internasyonal na kompetisyon. Ayon kay Glenn Gaerlan, artist director of the Performing Arts at UB Voices Chorale Conductor, “For now, we have a raw material. It’s an old choir but with new members. We are preparing and looking for our own sound.” Dagdag pa nito na pangarap niyang dalhin ang grupo sa ibang bansa katulad ng kaniyang naranasan noong siya ay nasa kolehiyo pa. “I had a lot of growth. I want the students to experience what I experienced before and hopefully leave a legacy”.
Nabanggit din ng isang miyembro ng grupo na si Gabriel Jamorabon na hinahangad ng grupo na sumali ng mga internasyunal na kompetisyon noon ngunit naudlot ito nuong nagkaroon ng pandemiya. Ayon kay Jamorabon, “We were already determined to compete internationally for years, we were just waiting for the right time and now na may opportunity na binigay samin, we took it agad”.
Ibinahagi ni Gaerlan na muling nag-eensayo ang grupo pagkatapos ng kanilang mga face to face classes. Dagdag nito, “They are preparing themselves vocally, physically and emotionally”. Kasalukuyang tinututukan ni Gaerlan ang pag-eensayo ng grupo para sa kanilang mga pinaghahandaan na kompetisyon upang muling makakamit ng parangal at makapagbigay ng karangalan sa Unibersidad.
Rayah Jahziel Tayag,UB Intern.
October 7, 2024
October 5, 2024
October 4, 2024
October 3, 2024
September 29, 2024