TABUK CITY, KALINGA – Nakatakdang ideklara ng Philippine National Police (PNP) ang probinsiya ng Kalinga bilang “drug free” sa Pebrero 6 kaalinsabay sa pagbubukas ng isang bahay kalinga para sa mga drug-surenderees sa lumang provincial jail.
Sinabi ni Provincial Assistant Social Welfare and Development Officer Digna Dalutag na magiging panauhing pandangal si Assistant Secretary Antonio Hernandez ng Department of Social Welfare and Development sa gagawing aktibidades.
Maaalala na 114 sa kabuuang 152 barangay sa Kalinga ay apektado ng droga sa umpisa ng pinaigting na kampanya laban sa illegal na droga ni Presidente Rodrigo Duterte. Sa katapusan ng taong 2016 ang pinagsamang puwersa ng pulis, lokal na opisyales, mamamayan ng komunidad, simbahan at civil societies sa pagsupil sa problema sa droga ay naging positibo ang resulta dahil sa napakaraming rumespondeng pushers at marijuana planters na itigil na ang kanilang illegal na gawain at sumukong drug users.
Bubuksan ng pamahalaang probinsiya ang lumang provincial jail dito upang magsilbing bahay kalinga para sa mga drug surenderees.
Sinabi ni Kalinga Provincial Police Chief, PS/Supt. Brent Madjaco na ang mga drug surenderees na nagsisiksikan sa Bureau of Jail and Penology jail center ay ililipat sa nasabing dating kulungan.
Ang deklarasyon ng Kalinga bilang drug free ay resulta rin ng organisasyon ng 113 Mamamayang Ayaw Sa Anomalya, Mamamayang Ayaw Sa Illigal na Droga o MASA-MASID. ABN
February 4, 2017
February 4, 2017
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024
November 1, 2024