Kampanya ng EO 70 gumulong na sa sektor ng akademiya sa Ilocos

LUNGSOD NG SAN FERNANDO – Gumulong na sa sektor ng akademiya sa rehiyon ng Ilocos ang Executive Order 70 o ang “whole-of-nation” approach to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC).
Sa pangunguna ng Presidential Communications Operations Office at Philippine Information Agency Region 1 bilang pangunahing ahensiya sa Strategic Communications Cluster ng National Task Force and Regional Task Force ng ELCAC, kaakibat ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Region 1, sa nasabing campaign caravan sa akademiya.
Sa layong gawing lubos na may kamalayan ang mga estudyante at guro kung paano mag-recruit ang communist-terrorist groups (CTGs), iprinisinta ng NICA ang lahat ng posibleng pangyayari na namalas sa nakaraan ilang mga taon sa ginawang Freedom of Information (FOI) Campus Caravans at Multi-Sectoral na ginanap sa tatlong malalaking state universities sa rehiyon noong Oktubre 2019.
“Initially, CTGs are on the look-out for student-leaders, writers and student-models who have high academic records because they want to choose the best and the brightest,” ani isang opisyal ng NICA Regional Office 1.
Ayon sa nasabing opisyal, sa oras na nahimok ang mga estudyante na sumanib sa grupo ay nabraibrainwash at kinukumbinsi sila na ang komunismo ang solusyon sa mga problema ng bansa. “After 50 years, they are still on the streets and defending what they think is right and convincing people that they can do better things for our country,” pahayg ng opisyal.
Sinabi rin niya na nagrerecruit ang CTGs ng mga estudyante dahil kinokonsidera sila bilang “lifeblood” ng grupo, at kung wala ang kabataan, ideyalista at agresibong pag-iisip ay unti-unting malulusaw ang kanilang organisasyon.
Sumama ang NICA sa mga caravan dahil nakita nila itong na perpektong pamamaraan sa kanilang layunin upang lumikha ng kamalayan sa EO 70.
Ang mga unibersidad na pinuntahan ay ang Don Mariano Marcos Memorial State University-Mid La Union Campus (DMMMSU) sa San Fernando City, La Union, the University of Northern Philippines (UNP) sa Vigan City, Ilocos Sur at Mariano Marcos State University (MMSU) sa Batac City, Ilocos Norte.
Ang iba pang unibersidad mula La Union na sumama sa caravan ay ang DMMMSU-South La Union Campus, DMMMSU-North La Union Campus, Union Christian College, Central Ilocandia College of Science and Technology, at Northern Philippines College for Maritime, Science and Technology noong Oktubre 4.
Noong Oktubre 16 sa Ilocos Sur, ang higher educational institutions gaya ng Ilocos Sur Polytechnic State College, ang North Luzon Philippines State College at ang Divine Word of College of Vigan ay sumali sa aktibidad na ginanap sa UNP Auditorium.
Gayundin, iba pang campus ng MMSU na nakabase sa Ilocs Norte kabilang ang unibersidad ng Northwestern University at ang Northern Christian College na nakabase sa Laoag City ay dumalo sa aktibidad noong Oktubre 18 na ginanap sa MMSU Hotel Function Hall.
Sa pagbubukas ng forum na ginawa bilang bahagi ng caravan ay ipinahayag ng mga estudyante ang kanilang pangako na susuportahan ang ELCAC at magiging mapagmatiyag sa pagtanggap ng mga alok na sumama sa mga organisasyon na may impluwensiya ang CTGs.
Ipagpapatuloy ng NICA na makisama sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno, at civil society organizations upang msiguro ang pinakamalawak na pamamahagi ng EO 70 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Disyembre 4, 2018.
 
AHFF-PIA1/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon