Ibinasura ng Second Division ng Commission on Elections ang kandidatura ni Adam Yap na pinaghain ng kandidatura bilang kinatawan ng Benguet sa Mababang Kapulungan. Kinakitaan daw ng kawalang kaseryosohan si Adam Yap at nabuyo lamang ito ng kampo ng katunggali ni re-electionist Congressman Eric Go Yap upang linlangin ang mga botante. Napagtanto ng Comelec Second Division na sadyang pagbabalahura lamang sa sistema ng eleksyon ang paghain ni Adam Yap ng Certificate of Candidacy (COC) noong Oktubre.
Maliwanag ang pakay ng mga nambuyo kay Adam Yap upang magpunta sa Comelec-Benguet at magpila ng COC bilang kandidato noong Oktubre. Nais salisihan si incumbent Benguet Congressman Eric Go Yap dahil kapag nagkataong hindi naideklarang “nuiscance candidate” ang una, mauuna pa ang pangalan nito sa balota. Tiyak, mahihilo ang mga Benguet pagdating sa Mayo 12, 2025. Sa kabila ng tangkang pagbalahura sana sa eleksyon sa Benguet ng mga kawatan, nanatiling walang pag-iimbot si Congressman Eric Go Yap upang mahalin at pagibayuhin
pa lalo ang paglilingkod sa kanyang probinsya.
Kusang lumapit na ang pamilya ni Adam Yap kay Cong. Eric Go Yap upang humingi ng kapatawaran. Sa kagandahang loob ng Kongresista’y, buong pusong nagpatawad ito sapagkat naniniwalang biktima rin si Adam Yap ng panlilinlang. Samakatuwid, bumabalandra sa kalaban ni Cong. Yap ang kanilang kagagawan at imbes na
makapagkamal ng boto’y, lalo pang nawawalan ng pagtitiwala ang mga botante sa hangarin niya sa Benguet.
Magsisilbing babala ang pangyayaring ito sa mga pulitikong madumi, pati ang kanilang mga galamay, at bilang
ginintuang aral sa mga botante ng Benguet na kailanma’y hindi magwawagi ang kasamaan. Datapwat hindi
pinaparusahan ang ganitong istilo ng pagbabalahura sa halalan, tanging ang parusa’y matatapyasan pa lalo ng bilang
ng boto ng pulitikong inakalang makikinabang sa pambabalahura pagdating sa Mayo 12, 2024. “Bad Karma” ang aabutin ng kawatang pulitiko at mga galamay nito. Ayaw lumaban kasi ng patas. Ngayon pa lang, plano nang manggulang? Paano pa kung mailuklok ito sa pangarap niyang pwesto?
December 9, 2024
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025